Friday, December 28, 2007

Introducing My Niece, Sakura


Ang latest addition sa aming lumalaking pamilya:

Name: Patricia Marie Kyan-Woods
Japanese Name: Sakura Kyan

Birth weight: 3.99 kg = 8.79 lbs

Awa ng Diyos, mabuti naman ang lagay ni Sas. Astig. =) Ako na next... EXCITED NA KO!!!

Monday, December 17, 2007

Mainit ang Ulo Ko

Hirap na hirap na ko dito sa putanginang sakit na ito. Di ko naman kayang mangahas na uminom ng gamot dahil nga buntis ako.

Kaya kung sino ka man na nanghawa sa akin, sana gumaling ka na at huwag ng manghawa pa ng ibang tao. Leche.

Saturday, December 8, 2007

Belly Picture - 28 weeks



148 lbs: only 2 lbs of which is my baby's weight.

18 lbs gained so far. gaining 18 more is not impossible.

12 more weeks until i get to see our little angel :D

Konti Nalang


1 month nalang at makakapiling ko na uli si mister.

Excited na akong makita niya yung tiyan ko at maramdaman niyang gumagalaw ang panganay namin. :D yey!

Thursday, December 6, 2007

Late Birthday Post


Ang lungkot magspend ng halos buong birthday ko ng mag-isa. Unang una, wala si Rey. Pangalawa, lahat ng mahal ko sa buhay e may pasok. Buti nalang takaw tulog ako nung araw na iyon. 12 nn na ako nagising so halos kalahating araw nalang ang tiniis kong pag-iisa.

Sana pumasok nalang ako sa trabaho kung ganon diba? Pero di rin, wag na uy. Madedepress lang ako dun. Iba kase ang culture ng aming workplace. Hindi ba katulad sa inyo na pag merong may birthday eh may surprise balloons, flowers, cake at pansit malabon sa desk. Or kahit na wala nalang ganun basta ba may bumati manlang sa iyo... pero no, walang ganon. Buti nalang may mga kasamahan akong pinoy, at least sa kanila, nararamdaman ko na importante ako. Oh well, tama na ang reklamo at baka masisante ako sa pagbblog ko tungkol dito. Baka mabasa pa ito ng Big Brother sa tabi tabi. So yan ang storya kung bakit nagpa-day off ako nung birthday ko.

Mabalik tayo sa mga nangyari nung araw na yon. Dami kong balak nun. Balak kong magpagupit, magpamasahe, manicure, pedicure, bumili ng mga bagong damit, sapatos, makeup, lingerie, pabango etc etc. Isspoil ko sana ang sarili ko. Hehe. Pero bago ko gawin yun, gusto ko muna makapagsimba sa totoong simbahan. So yun ang una kong ginawa. Ang weird kase pagkatapos nun, nawalan na ko ng gana gawin yung mga binalak ko. Masaya at kuntento na ko na iyon lang ang ginawa ko. =)

Dumeretso na ako kina mama pagkatapos noon. Sabay sabay kaming kumain ng pritong bangus at ilang pirasong steak. Simple lang, walang handa handa pero ang sarap. Iba talaga pag kasama mo ang buong pamilyang kumain. May regalong cake sa akin si Sas. Nakakatuwa kase akala ko aagawan ako ni Kisean sa pag-ihip ng kandila... ako pa ang pinipilit niya na mag-ihip. Alam niya na ako ang may birthday =D

Isa lang ang regalong natanggap ko this year, galing pa sa least na inaasahan kong magbibigay sa akin. Si Nori. Binilhan niya ako ng wind chime na dolphin galing sa pinuntahan nilang Aquarium nung field trip nila. Nakakataba ng puso dahil halos naubos yung baon niyang pera para lang doon. Mahal na mahal talaga ako ng kapatid kong iyon.

Madami-dami din namang bumati sa akin sa internet. Salamat =) Thank God talaga for the internet. Sobrang lungkot sigurado kung wala nito. Salamat din pala sa mga nagtext =)

Thank you Kisean for being the first one to greet me that day!

Thank you to my family for being with me that day este night na pala.

Thank you to my asawa na tinawagan ako nung araw na iyon =D

Thank you Lord for shaping me into what I am now after all that I've been through at 23.

Pahabol: bakit Dudi? hihi yan ang tawag sakin ni Kisean. Derived from Dude na tawagan namin ni sas dati nung bata-bata pa si kisean.