Sobrang dami kong gustong i-blog. Ang dami ko ng utang na post, utang na loob!!!
Saan ba ko mag-uumpisa?
Allow me to explain kung bakit ako nabaon sa utang...
WORK
I wished for a career, and now I have one. I feel so blessed. I can truly say that I have progressed as an IT professional. Dati-rati, helpdesk pro lang ako. Ngayon, samut-sari na ang nalalaman ko. SQL, Windows 2k3 Server, Microsoft Reporting Services, at madami pang iba. Sarap talaga magtrabaho kapag gusto mo ang ginagawa mo. Idagdag pa natin doon yung saya mo kapag kasundo mo ang mga katrabaho mo. Astig. But, there's always a catch. Hindi kalakihan ang kita pero ok lang talaga sa akin kase masaya ako :)
Never akong nauubusan ng ginagawa doon. Bukod sa pagsuporta ng mga branches namin through phone & email, may mga projects din na kailangang maaccomplish. Naka-isang project na ako at huwag ka, ok ang resulta. Not bad for starters. :) Ngayon may project uli ako pero mas challenging. Challenging in the sense na zero knowledge ako. Nangangapa ako pero unti-unti ding nagkakaroon ng liwanag. Sana hindi ko madisappoint ang mga superiors ko. Sana talaga.
LIFE OUTSIDE WORK
Yes, I actually have a social life kahit super busy sa trabaho. Social life ko ng maituturing ang di nauubusan ng topic na daldalan namin ng sister-in-law kong si tintin sa gabi at ang paminsanang pagdalaw sa amin ng dalawa pa naming BFF na sina Kath at Mharje. Kung anu-anong ginagawa namin. May make-up session, dance group recital, food trip, movie night atbp. :) Saya! :)
Favorite ko nga palang magluto ng kahit ano pag sinisipag ako. So far ang nailuto ko na ay Menudo, Japanese curry, Chicken Cream Stew, Baked macaroni, Red Velvet cupcakes, at Bibingka. Pangarap kong magluto ng Bicol Express, Caldereta, Katsudon, saka Palabok. Good luck nalang kung kelan. 6 days a week kase ako nagttrabaho. At ang supposed rest day ko eh laundry day ko din. Yun pa nga pala ang isa pang catch sa aking career.
My Kenshin is growing up so fast. In a few weeks, magttwo yrs old na siya. Handaan na ito!
Thank heaven for little ones. Kenshin & KC relieves my stress just by being there. Si Kenshin niyayakap ako palagi at nakakatuwa sobra kapag nagagaya na nya ung mga sinasabi sa TV. :) I love my son so much :)
LOVE LIFE
Miss na miss ko na si Rey. Kapag napapanaginipan ko sya, ayoko ng gumising. Excited na ako dahil almost halfway na ung deployment nya eh. Thankful talaga ako at may trabaho ako, kung hindi, nabaliw na siguro ako sa lumbay. Thankful din ako dahil madalas kaming mag-usap, as in araw-araw. Di tulad nung last nyang alis na bihira talaga. Hay. Swerte ko! :)
DREAMS
I haven't given up on that one dream. In fact, I've already taken the first step. :) Wish me luck and pray for me! :)
WEIGHT ISSUE
I have none. :) Happy na ako sa PIGure ko. hahahahahaha. Ni hindi ko akalaing aabot pa ako sa ganitong level. :) Thanks to the stress of being new at work and to my coffee addiction. Oh and sa gym pala. I started going to the gym nitong Jan 18th. Todo pawis! Treadmill ang kinakareer ko kaya ang legs ko eh macho na. HAHAHA but I'm loving the way they look now. They're so me. Astig na sexy. BIRU lang. :)
...
Itutuloy...
