Monday, October 18, 2010

Artist


This is what's keeping me busy since July. I design stuff.

Ang saya!!! :D Nag-eenjoy talaga ako sa trabaho ko. Never kong pinangarap na maging kabuhayan ang aking creativity pero mabait talaga ang Diyos. Gusto Niyang magamit ko ang talentong binigay Niya sa akin.

Ang magandang title siguro ng post na ito ay God's Plan part 2. Naaamaze kase ako tuwing naiisip ko na itong bago kong trabaho ay part uli ng plano Niya para sakin. Ikukwento ko ang nangyari:

Bumalik na si Rey nung June. Nagdadalawang isip kami kung magreresign na ba ako sa PNB o itutuloy namin ang setup na magkalayo kaming mamumuhay. Sayang din kase ung trabaho ko sa LA.

Dahil hindi ko masikmura na hahayaan ko siyang mag-isa samantalang kakagaling lang niya sa pagiging mag-isa sa disyerto, napagpasiyahan kong magresign nalang. Kawawa naman si Kenshin, lumalaking malayo sa ama niya. Kawawa din si Rey, ang dami niyang namimiss na milestones sa buhay ng anak niya.

Sabi ko, bahala na kung makahanap man ako ng trabaho o hinde. Ang pinakamahalaga sa akin nung time na yon eh yung mamuhay kaming magkakasama.

Tumitingin-tingin na ako online ng mga opening. May isa talagang agaw-pansin. Binasa ko ang job description, aba! Salamat sa layout design na naexperience ko sa Statsoc, confident akong qualified talaga ako. Pwedeng pwede. So nag-apply ako. Why not diba! Ang maganda nito eh ung opening ay sa loob din mismo ng base na pinagttrabahuhan ni Rey. Perfect setup kung matatanggap ako. Sabay kaming papasok, sabay kaming uuwi, sabay pa kami maglulunch! yey!

Aba, aba, aba! Pagkaresign na pagkaresign ko sa PNB at pag-balik namin dito sa Norte nung July, natawagan ako for an interview. Tuwang tuwa ako!!!
Kabang-kaba rin at the same time.

2 parts ang interview. Face-to-face at practical test. Sa totoo lang, nabulol-bulol ako sa face-to-face. Papano ba naman, nasanay akong tagalog sa trabaho ko sa PNB sabay bigla akong masasabak ng English! whew nosebleed! Simple lang naman ang mga tanong eh. Pano mo pinaprioritize ang workload mo? Anong gagawin mo kung ganito? kung ganyan? Ano ang alam mo sa military way of doing business? Itong huling tanong ang sa tingin ko natumbok ko ang sagot. Salamat sa mga kwento sa akin ni Rey, alam ko kung ano ang military culture. Pagkatapos ng tanungan eh test naman. May sample poster. Kailangan mong magaya using Adobe InDesign. In fairness, close copy ang nagawa ko! Buti nalang may kopya ako ng Adobe na the day before ko lang ininstall... at buti nalang madaming tutorial sa youtube na the day before ko rin lang inaral!

After 2 days, tinawagan ako. Congratulations daw, I made it to top 3. Wow. Akala ko talaga wala akong pag-asa dahil hindi ganun kaimpressive para sa akin ung mga sagot ko sa face-to-face. Natumbok ko siguro sa practical test. So, dahil kabilang ako sa top 3, kailangan kong bumalik para sa 2nd interview. Nakupo ano kayang mga itatanong??? Pagdating ko dun, wala. Pinaupo lang ako sa harap ng computer at binigyan ng practical test. Thank goodness wala ng oral interview!!! Nasabak ang creative powers ko. PInagdesign kami ng poster from scratch given limited info... and 20 minutes. hahahahaha naloka ako. Pero BOOM!!! Type ko ung gawa ko ha, simple pero may dating. And apparently nakita nila un. Tinanong tanong nila ko kung bakit ganoong picture ang napili ko. Inexplain ko na dahil 20 mins lang ang bigay sakin, I had to make it simple yet eye-catching. Mukhang naimpress sila.

3 days after tinawagan ako ng HR. Congratulations, you got the job. Napa-OMG ako sa facebook status ko. Nung inannounce ko na may trabaho na ako, super daming natuwa for me. At siyempre tuwang tuwa din si Rey! :)

1st day of work ko ay August 4. Kinwento nila sa akin na 65 ang nag-apply para sa trabaho ko... 11 ang ininterview, 3 ang nag 2nd interview at finally ako ang napili. Sabi nila, they saw something in me. Wow. Nakakataba ng puso. Pero hindi ako sa abilidad ko nabilib eh. Naamaze ako na pinlano talaga ito ng Panginoon para sa akin. Biruin mong 60+ katao ang nakatunggali ko at ako ang napili???? At ang isa pang nalaman ko na lalo pang nakadagdag sa amazement ko is, the last time na nag-open ang position na ito ay 4 years ago. Perfect timing! Para sa akin talaga ito. Amazing. Thank you, Lord. :)













God's Plan

(our last picture in our North California place)


Around this time last year, I made one of the toughest decisions in my life.

At that time, I have been in the US for 5 months and I still haven't found a job. It was depressing. I kept blaming the economy and our location. I was losing confidence in myself. Then an opportunity came along. My sister-in-law who works in PNB Los Angeles suggested that if there was an opening, why not try my luck in LA.

Rey and I both grew up in a typical middle-class Filipino family where the mother stays home raising the children while the father is working overseas. Given that we are both used to such setup, one would think that the decision would have been made in a snap. That was not the case. He wanted me to go for it. I desperately wanted to start a career. So what made it a tough decision? It was the thought of him not having anyone to come home to. :(

We both decided that I go for it. If it doesn't work out then I'd quit and return to life as usual.

*** hahaha okay oras na para magpakatotoo. nauubusan na ko ng English. ***

Ganito kase yun. Desperado na talaga ko. Pero ayokong iwanan si Rey. Feeling ko napakaselfish ko pag iniwan ko siya para lang magkaroon ako ng career. Naalala ko nung nagpropose siya at umoo ako, niyakap niya ko at sinabi niyang, "Thank you, hindi na ako mag-iisa" -- paano nalang yun kung iiwan ko siya? So ayun... labag na labag sa loob ko.

Isa pang pumipigil sa akin ay ang nakikini-kinita kong nakakailang na sitwasyong makikitira ko sa mga biyenan ko. Napaka-common nito sa Pilipinas pero wala akong karanasan sa ganon kaya natatakot din ako. Marami-rami na kase akong naririnig na horror stories about biyenan vs. manugang HAHAHAHA :)

Matapos naming pag-usapan ng masinsinan, napagdesisyunan naming subukan ang aking kapalaran. Sa totoo lang hindi ko alam kung paano ko nakumbinse ang sarili kong kakayanin naming magkahiwalay... parang may bumulong lang sa unconscious namin ng "everything will be ok."

Nainterview ako, at BOOM tanggap agad. Noon nag sink-in sa akin na heto na, totoo na 'to.

Naiwan na kami ni Kenshin sa LA. Bumalik na si Rey sa North. Nadurog ang puso ko nung sinabi niyang umiyak siya nung pagbukas niya ng pinto ng apartment namin at wala kami doon. Ayun na nga ba ang kinakatakot ko. Mula ng magpakasal kami sinabi ko sa sarili ko na never kong ipaparamdam sa kanya na mag-isa siya. Naguilty ako ng sobra. :(

October 18 ako nagsimulang magtrabaho. Lumipas ang mga araw at sa awa ng Panginoon eh wala naman kaming naging problema. Hanggang matapos ang isang buwan, ginulat ako ni Rey sa balitang aalis siya for 6 months. Call of Duty. Nalungkot ako. Pero dahil mahilig akong tumingin sa positive side ng mga bagay, ito ang naisip ko: pinapakita sa akin ng Diyos na planado na talaga niya ang buhay ko...

Kaya pala hindi ako makahanap-hanap ng trabaho sa Norte dahil sa LA Niya ako gustong mapunta.

Kaya sa LA dahil gusto Niyang makasama ko ang pamilya ni Rey para hindi ako mahirapan at malungkot habang wala siya. Gusto Niyang nandoon kami ni Kenshin para hindi masyadong mag-alala si Rey.

Ang galing noh? :) Tuwing naiisip ko ito, mas lalo kong naaappreciate lahat ng dumarating sa buhay ko.

Thank you, Lord.

Oh, and by the way. Walang biyenan vs. manugang action na nangyari. Napakabait ng pamilya ni Rey at sobrang thankful ako na tinuturing nila talaga akong parang anak. :)