Sunday, June 21, 2009
Saturday, June 20, 2009
Dreamer

When will I ever be able to wear you again? Binili ko itong outfit na ito para sa aking green card interview sa Japan, thinking na magagamit ko ito pag may career na ako sa Amerika. :)
Akala ko pagdating ko dito, may trabaho agad ako. Ganoon kase ang nangyari sa akin sa Japan. Sabi ko sa sarili ko, kung doon nga na may language barrier, nakajackpot ako ng trabaho, dito pa kaya eh bihasa naman akong mag-English. Besides, I have a degree, I have been working for 5 years, and I am in the land of opportunity. :) That's how positive my thoughts were.
Hindi pala madali. Nasusubukan ang fighting spirit ko dito. Sana sa madaling hinaharap eh may maganda na akong balita sa inyo. For now, I will keep on dreaming and believing. Sabi nga ng isa kong matalik na kaibigan,
"just don't stop believing."
The Montessa Story

May 31, 2009 : Ang unang pagkikita. Sa internet palang, panalo na ang hitsura niya. So kahit isang araw palang kami sa Sacramento, lumarga na agad kami para usisain siya.
Wala akong masabi sa kinalulugaran niya. Tahimik, maganda, bago, malinis. Ni hindi mo aalalahanin kung may masamang loob ba sa paligid mo.
Pagbukas ng pinto, parang sasabog ang utak ko. Ang dami ko agad naimagine na gagawin dito. Nakita ko ang aming mga sariling dito nakatira. Sabi ko sa sarili ko, dito ko gustong palakihin ang anak ko. :)
Wala na kaming nakita pang kasing ganda nito sa labas at sa loob.
June 5, 2009 : Pirmahan ng kontrata. Nasa amin na ang susi. Nagpalinday-linday kami sa loob sandali. Saan pa nga ba kami pupunta pagkatapos kundi sa furniture store.
Pagpasok namin sa tindahan, ang una naming naisip ay :" yikes, ano tong pinasok natin? ang baduy!" hahaha. Mabuti nalang at may lumapit sa amin at tinuro ang kanilang contemporary section. Hindi naman pala masama. Sa katunayan, ang daming magaganda. Matibay na mura pa. Swerte. Wala ng pagdadalawang isip pa. Bumili kami ng living room set: isang sofa, isang loveseat, dalawang side tables na glass, at isang coffee table na glass. Kinailangan din naming bumili ng kama dahil ang kama namin noon sa Japan ay hiram lamang. Isang set na sobrang mura, mas mura pa kung tutuusin sa mumurahing IKEA. Isang queen-size bed, isang end table at isang dresser na malaki na may kasamang malaking salamin ang kasama sa set. Wala pa sa kalahati ng inaasahan kong presyo. Bumili din kami ng dining set. Dito kami natagalan sa pagdedesisyon. At mabuti nalang hindi kami nagpadalos-dalos dahil ang ganda ng napili namin. Bilog na lamesang glass na may apat na upuan. Hindi kailangang kipitin ang mga braso kung kakain ka dito. Ang saya. Isa pa lumaki akong sa bilog na lamesa kumakain. Da best talaga ang bilog na lamesa.
Mabuti nalang at may kaunti kaming naitabi bago kami lumipat ng amerika. Madami talagang magandang naidudulot ang simpleng pamumuhay.
June 8, 2009: Delivery ng aming biniling gamit sa bahay. Makikisig na kapwa asyano ang mga deleberi boys. Astig, sobrang bilis nila magset-up.
Pwede na sama kaming dito matulog. The thing is... anong gagawin namin? magtititigan? Wala pa kaming cable, walang TV, at higit sa lahat, walang internet!!!
June 9, 2009 : Kinabitan na kami ng cable at internet. Sa wakas, natupad na din ang pangarap kong magkaroon ng TFC. Dito na kami natulog for the first time.
June 12, 2009 : Dumating na ang mga gamit namin galing Japan. Miss na miss ko ang aking kompyuter. Laking pasasalamat ko at nakarating ito ng buo. :)
Madami akong napatunayan sa araw na ito. Una, mas makikisig kumilos ang mga asyano kesa sa puti. HAHAHA ang sama, pero baka naman nagkataon lang. Ang mga movers kase na nagdeliver sa amin ay puti. Mabagal kumilos at parang hate na hate nila ang trabaho nila. May pagkarude pa. Ako na nga itong nag-offer ng inumin, nginiwian pa ko. Lech. Pangalawa, wala na talaga akong masasabi pa sa kasipagan ng asawa ko. Within one day naayos namin lahat ng gamit namin dahil sa kanya. Pangatlo, tumatanda na pala ako. Ang bilis ko na mapagod. Hindi katulad noong mga nakaraang taon na sige lang ng sige kapag may kailangang tapusin. Pwede ring dahil napakasedentary na ng lifestyle ko for the past few months kaya ganon. Kailangan ko ng gumalaw-galaw, gumiling giling para matunaw ang taba, sabi nga sa wowowee.
Montessa ang pangalan ng tirahan namin. I love it. :)
Sunday, June 7, 2009
Alive and Kick'n
:D
From Northern California, here's one big something for you all:
HELLO!
buhay pa ako. tamad lang magblog. vacation mode parin, although slowly nagsisink-in na sa akin ang bago kong buhay dito. :) So far masaya naman ang stay ko dito sa US of A. Will add more details on my next blogs. :) may masaya, kakaiba, sad, kainis, hirap at ligaya, lungkot at dusa hahaha joke lang wala namang dusa at hirap. :)
From Northern California, here's one big something for you all:
HELLO!
buhay pa ako. tamad lang magblog. vacation mode parin, although slowly nagsisink-in na sa akin ang bago kong buhay dito. :) So far masaya naman ang stay ko dito sa US of A. Will add more details on my next blogs. :) may masaya, kakaiba, sad, kainis, hirap at ligaya, lungkot at dusa hahaha joke lang wala namang dusa at hirap. :)
Subscribe to:
Posts (Atom)
