Saturday, October 17, 2009

How to Deal

Sometimes the best way to solve a problem is to keep it all to yourself.

:(

Friday, October 16, 2009

City of Angels

Greetings from L.A. :) Since anong petsa na eh wala parin akong makuhang trabaho sa greater Sacramento area, napagdesisyunan naming manatili muna kami ni Kenshin dito. Bakit dito? Dito nakatira ang pamilya ni Rey. Makikitira muna kami sa kanila. May opening sa workplace ng sister-in-law ko kaya hindi ko na pinalampas ang kumakatok na pagkakataong ito. Friday kami dumating dito. Monday umuwi na si Rey. Halos 1 week na akong nandito, surviving naman, thankfully. Though may pabugsu-bugsong pagluha, sa tingin ko kakayanin ko naman.

Isa lang ang magiging problema ko dito... mananaba ako. ( I am eating turon as I write this, nabibili sa baba lang ng apartment.) Ang tirahan namin ay nasa Historic Filipinotown kung tawagin. Kaya hindi kagulat-gulat kung sangkatutak na pinoy ang nandito. In fact sa sobrang dami, sa kaliwa lang ng apartment, may Filipino store. Lahat ng childhood favorites ko meron sila: cornik, sweet corn (ung bilog bilog na chichiryang nakasupot na tigpipiso na asenso na ang packaging ngayon), flat tops, curly tops, mallows, chocolate crunchies, CHOCNUT, chocolate pretzels ng jack n jill, tortillos, atbp. May Selecta at Magnolia ice cream, may lutong turon, empanada, at kakanin. Pwede pa ngang magpaprito ng tilapia. Sa kanan naman ng apartment, may kainan na turo-turo style. Di na kailangang magpagod sa pagluluto. Iba't-ibang luto sa iba't-ibang araw. Sikat daw itong kainan na ito. In fairness mukha nga, puno ba naman ang dingding ng litrato ng may ari na kasama ang mga sikat na artistang pinoy. Picture nila ni Sharon, Manny Pacquiao, Regine Velasquez, former president ERAP, John Lloyd, Sarah Geronimo, at sobrang dami pang iba. Hay. Ang sasarap ng pagkain. Huwag talaga kayong magtaka kung wala pang isang taon eh doble na ang size ko. Wish ko lang huwag maturn-off sakin si Rey kung mangyari man yun. hehe.

Sa sobrang dami ng Pilipino dito, natural madami ding mga padalahan ng pera sa Pinas. May mga small time na door-to-door, at siyempre may mga bigtime na bangko. Tulad nalang ng RCBC at PNB. Yup may PNB dito. At masaya ako dahil mukhang malapit na nila akong kuhanin! :)


Salamat sa convincing powers ng sister-in-law kong si Tin, nabigyan ako ng chance na mapatunayan ang sarili ko sa mga boss ng IT Department ng PNB. 'Yan ang itsura ko nung pumunta ako para mainterview nila. Salamat ulit kay Tin, may instant professional-looking outfit ako dahil sa bigay niyang blazer. :) Astig ang PNB dito, yung office nila ay nasa business district, parang Makati. Hindi nakakahiyang magsuot ng ganito dahil yung mga tao, mas pormal pa ang mga suot. May pa-high heels high heels pa akong nalalaman, ang sakit tuloy ng paa ko. Madami-dami din akong nilakad! Palibhasa wala akong sasakyan dito, nagcocommute ako. Bus. 1st time kong mag-bus mag-isa dito. Naalala ko tuloy yung 1st day of school ko sa UP, 1st time akong hinayaang magcommute mag-isa. Same feeling, nakakakaba na baka lumampas ako at nakakailang na may katabi kang ibang tao. For sure masasanay din ako. Pati sa amoy. Amoy lumang sinehan ang mga bus dito. At huwag ka, yung mga bum na nakikita natin sa mga pelikula, nakakasakay sila ng bus. Needless to say, madumi ang mga bus dito. Mas malinis pa yung mga hindi de-aircon na bus sa Pinas. :) Isa pang kinatakutan ko eh yung paghihintay sa bus stop. Walanghiya. Porket naka-pormal ako, tinitignan ako ng malagkit ng mga dumadaan. Meron pa ngang isa sabi "hey beybeh, wassup, mahawl kituh" OMG. Pinoy ghetto at its finest. wtf. Hay. Sana naman walang masamang mangyari sa akin sa daan. :(

itutuloy.

Tuesday, October 6, 2009

Outfit Set #2

It would be so nice to go to work wearing any of these :)