Friday, December 28, 2007

Introducing My Niece, Sakura


Ang latest addition sa aming lumalaking pamilya:

Name: Patricia Marie Kyan-Woods
Japanese Name: Sakura Kyan

Birth weight: 3.99 kg = 8.79 lbs

Awa ng Diyos, mabuti naman ang lagay ni Sas. Astig. =) Ako na next... EXCITED NA KO!!!

Monday, December 17, 2007

Mainit ang Ulo Ko

Hirap na hirap na ko dito sa putanginang sakit na ito. Di ko naman kayang mangahas na uminom ng gamot dahil nga buntis ako.

Kaya kung sino ka man na nanghawa sa akin, sana gumaling ka na at huwag ng manghawa pa ng ibang tao. Leche.

Saturday, December 8, 2007

Belly Picture - 28 weeks



148 lbs: only 2 lbs of which is my baby's weight.

18 lbs gained so far. gaining 18 more is not impossible.

12 more weeks until i get to see our little angel :D

Konti Nalang


1 month nalang at makakapiling ko na uli si mister.

Excited na akong makita niya yung tiyan ko at maramdaman niyang gumagalaw ang panganay namin. :D yey!

Thursday, December 6, 2007

Late Birthday Post


Ang lungkot magspend ng halos buong birthday ko ng mag-isa. Unang una, wala si Rey. Pangalawa, lahat ng mahal ko sa buhay e may pasok. Buti nalang takaw tulog ako nung araw na iyon. 12 nn na ako nagising so halos kalahating araw nalang ang tiniis kong pag-iisa.

Sana pumasok nalang ako sa trabaho kung ganon diba? Pero di rin, wag na uy. Madedepress lang ako dun. Iba kase ang culture ng aming workplace. Hindi ba katulad sa inyo na pag merong may birthday eh may surprise balloons, flowers, cake at pansit malabon sa desk. Or kahit na wala nalang ganun basta ba may bumati manlang sa iyo... pero no, walang ganon. Buti nalang may mga kasamahan akong pinoy, at least sa kanila, nararamdaman ko na importante ako. Oh well, tama na ang reklamo at baka masisante ako sa pagbblog ko tungkol dito. Baka mabasa pa ito ng Big Brother sa tabi tabi. So yan ang storya kung bakit nagpa-day off ako nung birthday ko.

Mabalik tayo sa mga nangyari nung araw na yon. Dami kong balak nun. Balak kong magpagupit, magpamasahe, manicure, pedicure, bumili ng mga bagong damit, sapatos, makeup, lingerie, pabango etc etc. Isspoil ko sana ang sarili ko. Hehe. Pero bago ko gawin yun, gusto ko muna makapagsimba sa totoong simbahan. So yun ang una kong ginawa. Ang weird kase pagkatapos nun, nawalan na ko ng gana gawin yung mga binalak ko. Masaya at kuntento na ko na iyon lang ang ginawa ko. =)

Dumeretso na ako kina mama pagkatapos noon. Sabay sabay kaming kumain ng pritong bangus at ilang pirasong steak. Simple lang, walang handa handa pero ang sarap. Iba talaga pag kasama mo ang buong pamilyang kumain. May regalong cake sa akin si Sas. Nakakatuwa kase akala ko aagawan ako ni Kisean sa pag-ihip ng kandila... ako pa ang pinipilit niya na mag-ihip. Alam niya na ako ang may birthday =D

Isa lang ang regalong natanggap ko this year, galing pa sa least na inaasahan kong magbibigay sa akin. Si Nori. Binilhan niya ako ng wind chime na dolphin galing sa pinuntahan nilang Aquarium nung field trip nila. Nakakataba ng puso dahil halos naubos yung baon niyang pera para lang doon. Mahal na mahal talaga ako ng kapatid kong iyon.

Madami-dami din namang bumati sa akin sa internet. Salamat =) Thank God talaga for the internet. Sobrang lungkot sigurado kung wala nito. Salamat din pala sa mga nagtext =)

Thank you Kisean for being the first one to greet me that day!

Thank you to my family for being with me that day este night na pala.

Thank you to my asawa na tinawagan ako nung araw na iyon =D

Thank you Lord for shaping me into what I am now after all that I've been through at 23.

Pahabol: bakit Dudi? hihi yan ang tawag sakin ni Kisean. Derived from Dude na tawagan namin ni sas dati nung bata-bata pa si kisean.




Sunday, November 25, 2007

Saturday, November 17, 2007

Belly Picture - Week 24

para akong nakalunok ng bola ng basketball ano?

Monday, November 12, 2007

Week 24

2/3 na!


6th month mark today :D Kasing haba na daw ng isang ruler si baby. Pero parang ang liit pa ng tiyan ko compared sa ibang mga 6 months na buntis. (Belly picture to follow)

Siyempre galaw parin ng galaw si baby. May napansin nga lang ako lately... SUPLADO siya katulad ni daddy. Nung minsan active na active siya, sa sobrang tuwa ko, hinawakan ko yung tiyan ko sabay sabi ng "HELLO BABY!" in a very excited voice. Hala, biglang ayaw na gumalaw after nun? Manang mana ka sa daddy mo, wika ko. hehe.

Mukhang dumating na ang stage na kinatatakutan ko... sobrang lakas ng appetite ko nitong mga nakaraang araw, as in lahat gusto kong kainin. hehe. malala na ito. Mabuti nalang at nasa healthy range parin ang weight ko. :D yey! Pero ito seryoso... ang taba taba ko na tignan. Ang sikip sikip na ng mga damit ko, hindi lang sa tummy area kundi all over. Patay tayo jan. Nagsisimula na ding magkaroon ng dark lines ang leeg ko. Nako next na sigurado ang kilikili, etc. Namamaga na din ang malaki kong ilong. Sabi nga ng auntie ko, "Nako, lalake anak mo? Edi papangit ka niyan??" hehehehe. Oh well, part talaga ito ng buhay... kebs ko ba kung magbagong-anyo ako? ang importante eh healthy si baby. ( Nakakainis nga lang pag may mga tao akong nakakausap na nag-iisip na porke may asawa ka na eh malolosyang ka. So wrong. tsk tsk. )

Sungit ko noh? hehe. Isa yan sa mga pagbabagong napansin ko nung nagbuntis ako. Naging mataapang ako. Hindi na ko masyadong iyakin at hindi ako tumatahimik nalang kung galit na galit na ko. Sinasabi ko talaga kung ano ang gusto kong sabihin. Binabara ko ang mga taong deserve na mabara. hehe. Hirap imaginin na ganun ako noh? Seryoso to. And I'm proud of it. Being fierce is a necessity in today's world. hehe. wateber, pa English English pa ko. :D




Thursday, October 25, 2007

IT'S A...



BOY! hahaha tama daw bang ipangalandakan sa mundo ang litrato ng TOOT ni baby?! hehehe.

yup, it's a boy, 100%. tila nga nagpapasikat si baby kanina eh, panay ang pwesto ng magandang anggulo para ipakita ang pagkalalaki niya. =)

ang bait bait ng ate na nagultrasound sa akin. isa siyang Pilipina na mommy ng isang baby na alaga ni mama. special treatment kami ni sassie kanina! Thank you Ate Marie!

kakainis lang si baby kanina. ayaw magpakita ng face. di tuloy kami nakakuha ng maayos na picture. pero wala un, ok lang basta alam kong healthyng healthy siya. ang likot likot nga daw sabi ni ate! :D

nako si daddy, siyempre pa, tuwang tuwa. may magmamana na daw ng kanyang mga games. :D

o Daddy, oras na para mag-isip tayo ng pangalan, at oras na para mag-shopping for baby stuff!!! yey!


Tuesday, October 23, 2007

Week 20

Stressful ang week na ito para sa akin. Tsk tsk. Kawawa naman ang anak ko...

Pero nagmana si baby kay daddy niya. Matapang. Tuloy parin ang paglikot niya sa loob ng sinapupunan ko, masiglang masigla. :D

Nakakakalahati na ako! Konting hintay nalang, makikilala na nating lahat ang baby ni mommy aki at daddy rey. Nalalakihan na ko sa tiyan ko, although madami paring nagsasabi na hindi pa daw malaki. Sabi ng mga amerikanang katrabaho ni mama, "you're so tiny", HUWAT? Tiny pa ba ako sa lagay na ito eh 10 lbs na ang ginain ko mula nung magbuntis ako?!! Di kaya sa boobs sila nakatingin kaya tiny tiny ang tingin nila? ehehe

Ano bang mga nararamdaman ko?

Nag-uumpisa ng sumakit ang likod ko. Pwedeng dahil to sa Scoliosis kong umaatake dahil lumalamig na ang simoy ng hangin dito. Pero mas malamang eh dahil ito sa lumalaki kong ngang tiyan. Biruin niyo, in 3 weeks, kasing laki na daw ng basketball ang tirahan ni baby?! ayus. Normal lang talagang mastrain ang likod ko kung ganon.

Napapalakas din ata ang pagkain ko lately. Patay tayo jan. Ang masama pa nito eh parang bumabalik ang fatigue. Kaya wag kayong magugulat kung sa susunod kong ipopost na litrato eh lumobo na ako ng todo. :D

Siyempre ang pinakamasayang part parin ng linggong ito ay yung patuloy na paggalaw ni baby. Habang tumatagal, mas lumalakas at dumadalas. Nakakatuwa one time nagbabysit kami ni mama sa bahay nila. Habang kinakantahan ko yung alaga niya ng "twinkle twinkle" (eto nga ba talaga title nun? o basta alam nyo na yun), aba naexcite itong si baby, galaw ng galaw! pag tumitigil ako ng kanta, tigil din siya sa pag galaw. ang saya, may favorite song na si baby! :D kakatuwa.

O siya, sa Thursday nalang uli. Babae kaya o lalake? hihi

Monday, October 22, 2007

Desiderata - Filipino Translation

Ang ganda ng translation na ito, from http://titorolly.blogspot.com/:

Mga Mithiin

Mahinahon mong tahakin ang kaingayan at mga agam-agam ng buhay, at pakatandaan ang kapayapaang mayroong taglay ang katahimikan. Hanggat maari ay makipagmabutihan sa lahat ng nilalang.


Turan mo ang iyong paniniwala ng buong kalinawan, katiwasayan at walang pag-iimbot; at makinig sa iba sapagkat kahit na ang isang hunghang at kulang sa aral, sila ma’y may kwentong may kwenta. Pakaiwasan ang mga hambog at mapupusok, sila’y panggulo lamang ng kaluluwa.


Huwag piliting ikumpara ang sarili sa iba sa dahilang ikaw ay maaaring maging mayabang o kaya nama’y mapuno ng kalungkutan; parati kang makakakita ng mga taong mas magaling o mas mababa sa iyo. Ikagalak mo ang iyong mga narating o nagawa katulad ng iyong pagkakilig tuwing ika’y may bagong hangarin. Panatiliin ang interes sa iyong napiling karera, kahit gaano ito kahamak; sa pagitan ng pabago-bagong panahon, ito’y mananatiling sa iyo.

Parating mag-ingat sa iyong mga gawain pagkat ang mundo’y punung-puno ng kadayaan. Ngunit huwag mong pabayaang bulagin ka nito; marami pa ring mga taong may mataas na pangarap at hitik ang kapaligiran ng kabayanihan. Mahalin mo ang iyong sarili. Huwag mong utuin ang sarili mong ika’y kaibig-ibig. Lalo namang huwag mong pagdudahan ang pagmamahal; sa harap ng tagtuyot at pagkukunwari, ang pagmamahal ay pabalik-balik tulad ng damo. Makinig sa mga nakakatanda habang isinusuko ang lahat ng bagay na mura.

Alagaan ang tibay ng dibdib ng sa gayo’y masalag ang lahat ng biglaang kamalasan. Ngunit huwag mong pakadibdibin ang kadiliman. Maraming pangamba ang isinilang sa pagod at kalungkutan. Maging maamo ka sa iyong sarili na dulot ng isang mabuting pagdidisiplina. Ikaw ay isang sanggol ng sansinukob, sampu ng kagubatan at mga bituin; ika’y may karapatang manirahan dito. At kahit ito ma’y maging malabo sa iyo, walang kaduda-dudang ang sansinukob ay dapat lang na mapasaiyo.

Kaya naman maniwala ka sa Diyos, ano man ang kanyang anyo sa iyo. At kahit ano pa man ang iyong pinaghirapan sa gitna ng kaguluhan ng buhay, panatilihin ang katiwasayan ng iyong kaluluwa. Sa lahat ng pagkukunwari, kahungkagan at nasirang pangarap, masarap pa ring mabuhay. Maging maligaya. Sikapin mong maging masaya.


I <3 POLYVORE

Siyempre madami ng may alam nito pero ngayon ko lang talaga siya nasubukan. Nakakaaddict. :D Sana may magic spell para pagkagawa mo ng isang set eh mapapasaiyo lahat ng napag mix and match mo :D saya siguro! http://www.polyvore.com

Sunday, October 21, 2007

Somebody Please,

Pahingi ng gamot sa puso.

Para saan ba kamo?

Hindi sa pagdurugo, ako'y hindi broken hearted.

Ang kailangan ko ay pampatanggal ng poot.

* * *

Monday, October 8, 2007

Belly Picture - 19 weeks


Hmm what to say? I'm having a really bad day today but seeing that my belly has grown this big already makes me feel so much better.

My next checkup will be 10 days from now. I'm hoping I'd find out by then if I'm having a Rey Jr. or an Aki the II. =D


Tuesday, October 2, 2007

Life Inside

How exciting!

I just felt my baby move for the first time! =)

Tinatadyakan ako ng anak ko dahil di pa ko naglulunch hahaha. Sorry anak, kakain na ko ok? I love you!

Ngiting ngiti ako. Kinwento ko agad kay Rey at tuwang tuwa din siya. Ang sarap ng feeling. Mas feel ko na tuloy ngayon na nanay na talaga ako, and that I really really am carrying a life inside me.

Monday, October 1, 2007

Overdrive



Savoring independence.

Thank you Rey! Lahat ng ito ay dahil sa iyo.

Special thanks to:

Sassie Girly ~~ for taking me to driving class every day for a month!

Papa~~ for installing the audio system

Mama~~ for the encouragement

and Mr.Floyd ~~ for patiently teaching me how to become queen of the road.



Week 15-17

Malapit na kong mangalahati sa aking pagdadalang-tao.

Wala pa kong stretchmarks yahoo! Though feeling ko malapit na kong magkaroon. Sobrang swerte ko nalang kung di ako magkakaroon ever. =)

Iba na ang feeling pag hinahawakan ang puson ko. Compared to being all soft and jiggly before, ngayon talagang firm na at kahit nakahiga eh may nakaumbok na talaga. Yeyy! Ang saya kase pag tumitingin ako sa salamin eh hindi na ko mukhang napadami lang ng kain. Iba na yung pagkabilog ng tiyan ko.

Ang laki laki ng ilong ko ngayon hahaha. Para akong palaging may sipon. Parang dumadami din yata ang pimples ko... di ko alam kung dahil puyat lang ako o kung dala ba ito ng pagbubuntis... malamang combination of both.

Hindi na talaga ako sinisikmura, (thank you Lord!). Di din ako nakaranas ng sakit ng ulo for the past two weeks. Saya saya, wala akong weird na nararamdaman na pisikal lately! =) Although sa emosyonal eh, ibang usapan ito.

Siguro kung nandito si Rey eh walang problema. Umuwi ka na kase Rey. Di ko na kaya. Please? hehehe biru lang. Kayang kaya to, one month na nga siyang wala eh. =) 3 months nalang!

Tuesday, September 18, 2007

TXT

Bigla ko lang naisip...

Ang lungkot ng text life ko. (hindi to double meaning ha?). Buti pa nung nagbakasyon ako sa pinas nung Oct 2005, wow. Palaging may nagtetext sakin. Ang saya saya, sarap ng feeling pag may dumarating na message, napakathoughtful talaga ng mga kaibigan ko.

Seriously, ngayon... ang lungkot talaga. maganda nga cell ko (libre lang so no intentions of pagmamayabang here), wala namang nagtetext sakin.

Sobrang saya ko nung isang gabi, may nagtext sakin:

Hi aki, juz want 2 say n miss n kita sobra!
Stay healthy & Bee happy. ü
We'll always pray 4 u & ur baby. Txt or email m lng ako shd u need anything! Mwah ü Nyt!

_oO*Oo_

I was thrilled to see na hindi notification lang from the cell company ang dumating na message. Nakangiti ako ng matagal kahit tapos ko na basahin yung message.

To my dear friend Jolee, thank you!

-oO*Oo-

Kaya sa mga nagbabalak mag-abroad jaan... bumili ng roaming na phone at sim bago umalis para hindi kayo mawalan ng text life. sabi nga ng kanta ni Janet Jackson, you don't know what you've got 'til it's gone.

TXT nyo naman ako hahahaha : +81-80-3220-9058



Wednesday, September 12, 2007

So this is how it feels

... to be completely dependent, to be helpless


nakakadegrade ng pagkatao... lalo na kung isa kang taong maayos ang pinanggalingan.

weird post no? don't ask what this is about. itutulog ko nalang to.

Sunday, September 9, 2007

One Week Ago


1 down
17 more weeks to go.

Friday, September 7, 2007

Belly Picture - 14 weeks


malaki na ba?

madami lang ata akong nakaing dinuguan kanina kaya ganto kalaki hehehehe. =)

Thursday, September 6, 2007

Baby Picture - 02



Chibi Aki/Rey says hi!

I was so relieved to know that my baby is doing great =) Exciting kanina dahil pinarinig sakin ng doctor yung heartbeat ni baby. Ang bilis bilis ng tibok! =) Sa ultrasound naman, di masyadong gumagalaw si baby nung una, pero nung pinisa-pisa ng doctor yung tiyan ko, ayun na, pumipiglas yung kamay at sumisipa-sipa yung mga paa. =) hay. sobrang saya ko! sayang wala si daddy.

Wednesday, September 5, 2007

Separate Lives

My Rey is now in a far, far away place.

I'll be okay. =) Four months lang naman eh. Iniisip ko nalang na sobrang swerte ko dahil hindi sobrang tagal, yung iba kase 7 months, or even worse, one year kung madeploy. Isa pang pinagpapasalamat ko eh nandito siya pag manganganak na ko. Di rin siguro ako gaanong mahihirapan dahil nandito naman sina mama. =)

Bago siya umalis, nako, walang patid ang paglalakwatsa namin. Pinakamadalas namin gawin eh mag-arcade kasama si Nori. Ang saya! nakakuha kami ng dalawang stuffed toy sa UFO catcher! =) Ang downside lang talaga eh sobrang gastos! ahaha. Ok na din, di naman mababayaran ng pera yung kasiyahan namin habang naglalaro.

Cinelebrate na din namin ang 1st anniversary namin bago siya umalis kahit advanced. =) Cute cute ng regalo niya sakin. Orange na computer desk pati chair. Bagay na bagay sa Mac. One special night, pumunta kami sa capital ng Okinawa para mag sunset dinner cruise. Mejo malas lang dahil hindi kami sa tapat na tapat ng bintana naupo. Pero okay na din kase kita parin naman namin yung labas, at maganda din ang pwesto namin para mapanood yung live performance sa loob. Magaling yung singer, masarap yung food, ganda ng sunset... memorable talaga.

Proud ako sa sarili ko at I'm sure siya din dahil hindi kami nag-iyakan nung hinatid ko siya sa airport. (himala ano?) hehehe kaso lang paglabas ko pabalik ng kotse ayun na. di ko na kinaya. pero magmula non di na ko uli umiyak. YEYYYY! Sana January na.

Week 12-14


(di naman halatang masaya ako sa picture na to?)

Sorry sobrang tagal kong di nakapag-post. Busy-busy si mommy aki for the past 2 weeks sa pagmamaximize ng quality time namin ni Rey* (more on this on my next post).
Pansin kong di na ko ganon kadaling mapagod ngayon. =) Di na din ako gaanong antukin. yeyy! Ang masama lang eh tila napapadalas ang sakit ng ulo ko. Tulad ngayon, kagabi pa tong sakit ng ulo ko pero di parin naaalis, naitulog ko na't lahat, meron parin. Last resort ko sana ang mag-tylenol, which is guaranteed safe naman for expectant mothers. Mukhang mapipilitan akong uminom nito kahit na ayoko. Sana simpleng sakit lang ng ulo to... sana ok lang si baby. Buti nalang bukas may checkup ako, malalaman ko kaagad kung may problema ba...

Excited na akong makita uli ang baby namin bukas =)


Tuesday, August 14, 2007

Week 10 - 11

Thank goodness nababawasan na ang morning sickness spells ko. =D yey! Ang reklamo ko lang talaga for the past 2 weeks eh grabe ako kung magutom. Tipong pag nakaramdam na ko ng gutom eh hindi maaaring bale-walain. patay tayo sa Thursday pag nagpacheck-up ako. malamang lang nadagdagan ako ng 2 kilos since the last check up. =D tsk tsk. bad.

Post uli ako ng sonograph sa Thursday. Excited na ko makita uli si baby rey. =D



Wednesday, August 1, 2007

Baby Picture - 01


As promised, heto na!
Super amazing experience ang makita ang baby namin for the first time. Ang likot likot, galaw ng galaw yung kamay na parang nagjujumping rope, tapos yung paa, sumisipa sipa. Nagulat ako dahil ang ineexpect kong makita eh parang maliit na spot lang or embryo na may buntot pa. Aba, taong tao na yung shape eh. Yung puso, ang bilis ng tibok! Sobra sobra sobrang saya... napaluha ako (napakaiyakin ko parin talaga). =)

Monday, July 30, 2007

Week 9

Kay bilis ng panahon. 9 weeks na agad!

I haven't gone to the doctor yet. Not that I'm scared of going, but as a military spouse, I have to put up with how the military hospital system goes. I'm supposed to attend a motherhood class first before I could set an appointment with an OB/GYN. Only God knows when that appointment would be, considering that the class will be on the last week of August pa.

Mabuti nalang at dito kami naka-station sa Japan, at luckily, may mga English-speaking doctors sa mga ospital sa labas ng mga base. Otherwise, wala talaga akong choice kung hindi maghintay. Sa August 1st ang appointment namin. Post ko agad ang ultrasound picture ni "chibi aki"! Excited na kaming mag-asawa!

***

Ngayong week na ito, napapansin kong:

  • lumalaki na ng kaunti yung puson ko although hindi halata dahil natatakpan siya ng bilbil hahaha
  • napaka-MOODY ko! at palagi akong may kaaway sa mga panaginip ko. Buti nalang hindi nagiging biktima si Rey ng mood swings ko. May mga tao lang talaga sa paligid na talagang nakakairita. Katulad nalang halimbawa ng manyakis kong katrabaho. Gustong gusto ko siyang awayin dahil parang lagi niyang hinuhubaran sa isip sa pagtitig niya sa isa naming girly na katrabaho na love na love namin ni Sas. GRRR. Manyakis tong gagong to.
  • kumokonti na yung mga panahon na ako ay nauseated... pero pag nararamdaman ko ito, talagang malala.
  • antukin parin ako ever
  • naglilihi-lihi na ako minsan. So far eto ang mga kinrave ko ng biglaan: shrimp tempura, sky flakes, JOLLIBEE (too bad so sad ala nito dito)

=)

Monday, July 23, 2007

Happy! and Yucky =(

super saya ko dahil nandito na si Rey. haha. para kaming bagong nagliligawan nung nagkita kami eh. sarap ng feeling. ehehe. nag-uumapaw sa kilig moments ang Sunday ko. =) =) =) tila naover-release ang mga endorphins. hehe.

*********

thank you sa mga dumamay sakin nung nalulungkot ako! =) ayan back to normal na ko. ahaha! yey!

*********

bwiset lang talaga ngayong Monday... kaya ako napamura. ang dami dami lang bagay na nakakairita sa paligid. mga tipong nakakadiri. imagine: naduduwal duwal ka na nga, makakakita ka pa ng mga kadiring bagay. para makuha ko ang buo ninyong simpatiya, eto ang nakakadiring eksenang nakikita ko sa harap ko maya't maya: dinudukit niya ang mga tigidig niya sa mukha... pagkadukot ng mga lumabas sa tagyawat, derecho ang daliri niya sa ilong niya para lasapin ang amoy. YUCK. at eto pa. sinong hindi maiirita kung ang playlist ng nasa tabi mo eh tatatlo lang ang laman at walang tigil na tumutugtog ng ilang oras???

*********

what to do pag badrtip? RETAIL THERAPY! hehe. bahala na. ang tagal pa kase namin bago magkita ng ultimate therapy ko eh. hatinggabi pa. hay.

Do Not Read

...

TANG.INA.

Nakakairita.

Gusto ko ng umuwi.

...

Sunday, July 22, 2007

For My Rey

Get this widget | Share | Track details


Come What May

Never knew I could feel like this
Like I've never seen the sky before
Want to vanish inside your kiss
Every day I love you more and more
Listen to my heart, can you hear it sings
Come back to me, and forgive everything
Seasons may change, winter to spring
But I love you until the end of time

[Chorus:]
Come what may
Come what may
I will love you until my dying day

Suddenly the world seems such a perfect place
Suddenly it moves with such a perfect grace
Suddenly my life doesn't seem such a waste
It all revolves around you
And there's no mountain too high
No river too wide
Sing out this song and I'll be there by your side
Storm clouds may gather
And stars may collide
But I love you until the end of time

[Chorus]

Oh, come what may, come what may
I will love you, I will love you
Suddenly the world seems such a perfect place

[Chorus]

Antidepressant

Dear Harry Potter,

Thanks so much for keeping me company for the past 5 days! =) Witnessing your life during your 5th year saved me from crying a lot of tears.

Cheers,
Akiko

P.S. I'll save the last 2 books for a more challenging trial on September.



(yup, i know i'm such a loser. book 5 palang ako. at hindi ako nakapila para makakuha ng book 7 today. LOSER!)

Saturday, July 21, 2007

Long Distance Love

Nakaya kong mawalay sa kanya dati ng isang taon, kaya 'sus, limang araw? SISIW! 'Yan ang sabi ko sa sarili ko bago umalis si Rey nung isang araw.

Pahiya ako. Akala ko madali lang, hindi pala.

Bakit ganon? Dahil ba mas emotional ako recently dahil sa pagbubuntis ko? Dahil kaya matagal tagal na din siyang hindi umaalis ng biglaan? Pwede. Pero sa tingin ko, kaya ako nalungkot at nahirapan eh dahil ibang-iba na kami ngayon kumpara nung last naming paghihiwalay. Hay. Ayokong ayoko pa naman ng nakakasense ng pagbabago. Pero anong magagawa ko? Sabi nga nila, ang nag-iisang bagay sa mundo na hindi mo mababago ay pagbabago.

oh well. bukas ng gabi, mga ganitong oras naman nandito na siya. masaya ako dahil magkakasama na uli kami. =) pero may halong lungkot parin...

iniisip ko kase na kung 5 days nga nagkakaganito na ako, pano pa kaya yung 4 months na haharapin ko na wala siya?

Good luck nalang sa akin. =)




Monday, July 16, 2007

Green-eyed Monster Mommy

Ang hirap. Pero sa isang relasyon, hindi maiiwasan ang pagseselos.

Don't get me wrong. Si Rey ang pinaka-faithful na lalake sa balat ng lupa kaya never siyang gumawa or gagawa ng anumang bagay na masasaktan ako. (diba Rey?)

Ang pagseselos na sinasabi ko ay hindi nangyari sa totoong buhay... inatake ako nito sa panaginip.

Walang hiya. Part pala ito ng pagbubuntis. Talaga daw nagiging wild at emotional, saka talagang makatotohanan ang mga panaginip mo na tipong habang nananaginip ka eh never mong maiisip na nananaginip ka. gets? alam nyo na yun. Ang saklap. Nagising akong humahagulhol sa tindi ng sakit na naramdaman ko.

I hate being jealous. Everyone does. I really really pray na wag na uli ako managinip ng ganon kase ang hirap eh. Hirap na nga ako sa all-day "morning" sickness ko, pabibigatin pa ang damdamin ko sa gabi? Pano magiging happy si baby kung hindi happy si mommy?

Thursday, July 12, 2007

Week 6

On my 6th week of pregnancy! Pero parang 6 months na kalaki yung tiyan ko. o_0

Pansin ko na...
  • Unti-unti nang umaatake ang "morning" sickness ko na palagi namang nangyayari sa gabi.
  • EXTRA sensitive ako sa mga amoy... tila ba naging 10x more powerful yung pang-amoy ko. Umiinit ang ulo ko kapag may mabaho sa paligid. UGH.
  • Sa pangangatawan naman, hindi na flat... enough said. YAHOO!!! haha
Masaya ako this week dahil ang dami kong chance na lumabas labas at magkikilos. Naglalakad kami sa park, mall, arcade ng konti, pasyal kung saan saan. Bukod sa mga to, sinimulan ko na ding magworkout gamit yung inorder kong dvd. =D

Tagal tagal pa! 200+ days pa bago ako manganak. Excited na kami ni Rey. Sana pwede i-fast fwd ang oras. Pero parang ayoko din. Sarap ng nasasa-akin lang nakafocus ang pag-aalaga ni Rey eh. hehehe selfish.

Tuesday, July 10, 2007

Northern Okinawa Trip

Day Two of our VL:

We took a spur of the moment trip to the most popular tourist spot here in Okinawa -- the Chura-umi Aquarium. Turned out it was not a bad decision at all. Pareho kaming naamaze at naaliw ni Rey sa iba't ibang klase ng underwater creatures na nakita namin. Pangalawang punta ko na ito at hindi ko akalaing mag-eenjoy parin pala uli ako.



SAYA SAYA!

Wednesday, July 4, 2007

Week 5

MARCH 3, 2008 daw ang aking due date... so I'm now on my 5th week.

Wala namang malalaking pagbabago. Pero eto ang mga napapansin ko recently:
  • Madali akong makatulog at sobrang antukin ko
  • Madali akong mapagod

Mabuti at wala pa naman akong nararanasang morning sickness. Good luck nalang sakin pag umariba na 'to.

Simula nung nalaman kong buntis ako, ginive up ko na ang pag-didiet, pagkakape, softdrinks at tsaa. hay. I MISS STARBUCKS White Chocolate Mocha... di sila nagseserve ng decaf dito... kaasar.

Nagsimula na kong umorder ng mga babasahin tungkol sa pagbubuntis at workout dvd. I'm sure sisipagin ako magbasa at magwork out dahil para din sa ikabubuti ko yun. =D

So far, so good! Hanggang sa muli!

MOMMY AKI

Fri -- June 29, 2007 -- 5:55 am

Home Pregnancy Test Result = ( + )

Whoa! Amazing feeling. Para bang yung saya ko nung nakapasa ako sa UP, only more intense! Gustong gusto kong ipagkalat sa buong mundo... magiging nanay na ko! Pero hindi muna. Nagpigil ako dahil baka iba ang resulta pag nagpatingin ako sa doctor.

Si Rey ang unang nakaalam siyempre. Napasigaw siya sa tuwa! YES!!!! Sabay yakap. Buti hindi ako naiyak. Napigilan ko.

Sa sobrang saya ko, di ko napigilang ikwento kay Sas... at kay Anche... then kay MAMA. Si mama napatili =D Nung kinwento ko kay Nori... binabaan ako ng telepono. Gusto niya kase siya lang ang baby namin ni Rey. hehe. Pero kalaunan kumalma din at sinabihan akong tuturuan daw niya magbasketball yung magiging baby namin. Si Papa naman, narelieve nung nalamang ako at hindi si Anche ang buntis. =D

Nung hapon na iyon nagpunta kami ni Anche sa Camp Lester Hospital. Sabi within 72 hours pa daw yung result...


Mon -- July 2, 2007 : "Mrs.Sedantes, you probably already know, your pregnancy test result is POSITIVE, congratulations!"

Ayan, official na. Mas lalo akong naexcite dahil pwede ko ng ipagkalat! Message sa YM, friendster, text sa pinas... ang saya saya dahil lahat ng tao eh masaya para sa akin at kay Rey! =)

Thank you sa inyong lahat na bumati sa akin... nakakataba ng puso yung excitement ninyo!


From now on I'll be taking a loooooooong break from my weight obsession. Wika nga ng 90% ng nakausap ko, "o ayan, wala ng diet diet ha!" I'll keep you all posted all throughout my pregnancy!


Friday, June 29, 2007

Friday, June 22, 2007

Rewards - 01


So fab!

I'll reward myself with this hairstyle when I reach my target weight. hihihihi.

Seryosohan na talaga. I'm now on my 2nd week of dieting. No exercise involved yet. Bumubuwelo pa eh.

Walang bawal bawal sa diet this time. Hindi na South Beach Diet ang ginawa ko dahil sawa na ko sa mga food na pwede dun. Binabawasan ko lang agad ng kalahati ang anumang kinakain ko bago ako magsimula at binabagalan kong kumain. Effective siya, in fairness!

Rainy season is over na here in Okinawa, kaya eto, summer na summer na. (Baliktad noh? rainy muna bago summer?) Hopefully makapagsuot na ako ng tank tops ng hindi nagmumukhang maton bago matapos ang summer. =)

Friday, June 8, 2007

WISHLIST

How would you feel if you had so much time in your hands and you just can't figure out what to do with it?

Diba maaawa ka sa sarili mo? (o ako lang yun?)

I'm trying to come up with interesting things to do during my free time aside from my current hobby of putting on make-up at home to feel glamorous... and singing in front of my webcam. Ang VAIN! Pag nakaipon ako ng lakas ng loob, magpopost ako dito ng isang song number para sa aking mga friends lalo na kay Jolee na miss na daw ang boses ko. Pagbigyan nyo na ang pagiging feelingera ko. Minsan lang 'to.

  • Gusto ko mag-cross stitch. Pangarap kong gawin to:


  • Gusto kong magstart ng isang collection. Super fulfilling siguro kung ganitong klase ang gagawin ko: http://www.specktra.net/showthread.php?t=72932 , Diba?
  • Gusto kong maadik sa kahit anong sports kahit na hindi ako athletic type. Feel ko ata ang table tennis. Kailangan ko lang maghanap ng kalaro at lugar na paglalaruan.
  • Gusto ko din sanang maging expert sa pagbabake kaya lang... event with probability = 1 na magiging super big ako. So pag-iisipan ko pa itong maigi.

Ok na siguro itong list na ito sa ngayon. Babalitaan ko kayo kung ano na ang nagagawa ko sa mga ito! Wish me luck! hehehe.






This Song

Bryan Adams - Have You Ever Really Loved A Woman?
Lyrics

To really love a woman,To understand her,
You've got to know her deep inside ...
Hear every thought, See every dream,
And give her wings when she wants to fly.
Then when you find yourself lying helpless in her arms ...
You know you really love a woman

When you love a woman,You tell her that she's really wanted.
When you love a woman,You tell her that she's the one.
'Cause she needs somebody, to tell her that it's gonna lastforever.
So tell me have you ever really ... really, really ever loved awoman?

To really love a woman,Let her hold you,
Till you know how she needs to be touched.
You've got to breathe her, really taste her,
'Til you can feel her in your blood.
And when you can see your unborn children in her eyes ...
You know you really love a woman.

When you love a woman,You tell her that she's really wanted.
When you love a woman,You tell her that she's the one.
'Cause she needs somebody, to tell her that you'll always betogether
So tell me have you ever really ... really, really ever loved awoman?

You've got to give her some faith,
Hold her tight, a little tenderness.
You've got to treat her right.
She will be there for you taking good care of you ...
You really gotta love your woman yeah.
And when you find yourself lying helpless in her arms,
You know you really love a woman.

She needs somebody, to tell her that it's gonna last forever.
So tell me have you ever really ... really, really ever loved awoman?
yeahJust tell me have you ever really ... really, really ever loved awoman?
Oh Just tell me have you ever really ... really, really ever loved a woman?

Thursday, June 7, 2007

Have You?

Every man should learn from this song. Don't you think?

Sunday, June 3, 2007

Kitkat Jackpot


See that stack of kitkat boxes at the right? Yup, that's our jackpot right there. Biruin niyong napatumba namin ni Nori yan! For the first time ever, hindi kami umuwing luhaan galing sa arcade.
Sad dahil nabutas ang bulsa ko... nakakaguilty. Feeling ko tuloy sugarol ako. Nakakaadik, as in! hehe.
In the end siyempre mas nangibabaw yung saya! Bukod sa may supply na ko ng kitkat for a week, masarap talaga ang pakiramdam ko nun dahil nakita ko kung gaano kasaya si Nori habang naglalaro kami =) PRICELESS moment. Mas masaya nga lang sana kung kasama namin si Rey. Bawi nalang next time!

Friday, May 25, 2007

Regine and Ogie

Kaya pala ang ganda ganda ng mga kantang kinocompose ni Ogie...



Thursday, May 17, 2007

SUPER AUNTIE!

I'm really excited dahil MAGKAKAROON NA ULI AKO NG PAMANGKIN!

My sister Sassie is going to have her 2nd baby around Christmas time. Sana girlaloo! Super happy ako for you Sas! =)

Kailan kaya ako?

Mangga at Drama



This is really really bad. Mama went to get some groceries yesterday and guess what she saw? Philippine MANGOes. Bihirang bihira ito dito sa Japan kaya pinakyaw ni mama ang mga ito mapa-hilaw man o hinog. Parang ginto, by the way. Isang daang piso bawat piraso. YUP i know, SOBRA diba?! But it was worth it. Reason why it's bad is that... talagang napakain ako ng madami. Imagine...

Piniritong tilapia with sawsawang Mang Tomas
Mainit na kanin
Kamatis w/ manggang hilaw and bagoong
Dagdagan pa ng Mango Graham Cake for dessert at nakatutuwang mga kwento.

One of my best dinners here ever!


Mabuti nalang bago kami kumain eh naglakad lakad muna kami ni mama by Araha beach. Two minutes away lang ito sa bahay nila. Kakaunti ang tao at masyadong mahangin kahapon, tipong mapupuwing ka sa mga lumilipad na buhangin kaya sandali lang kami. Sarap kase minsan ko lang makabonding si mama eh... nakakamiss talaga siya. Actually miss kong makasama ang buong pamilya ko. Kaya sa mga nagbabalak mag-asawa diyan, lubos lubusin nyo na ang family bonding moments nyo dahil kahit super happy ka with your hubby or wifey (parang ako!), hahanap-hanapin mo parin sila at maiisip mo na "I should have spent more time with them." OMG naiiyak na ko. Naalala ko kase nung bagong kasal ako, bigla akong niyakap ni mama at tinanong "Masaya ka ba anak?" sabay yakap at iyak na "Namimiss ko na ang anak ko" Yikes baka may hidden camera dito, nakakahiya! Basta sa ngayon sobrang thankful ako dahil nakikita ko parin sila as often as I want to. Mababaliw siguro ako kung nasa malayong lugar na kami ni Rey! Pero tulad ng sabi sabi, sanayan lang yan.
That 45 min walk with mama was not enough para mabigyang hustisya ang bigat kinain ko kagabi. Pero bago ako matulog kagabi, alam ko na kahit ako ay FAT lalo nung araw na yon, ako naman ay HAPPY. =)










For Future Reference - Volume 2

This is a Filipino making a long distancephone call....
Operator: AT&T, How may I help you?
Pinoy: Heyloow. Ay wud like to long distans da Pilipins, plis.
Operator: Name of the party you're calling?
Pinoy: Aybegurpardon? Can you repit agen plis?Operator: What is the name of the person you are calling?
Pinoy: Ah, yes, tenkyu and sori. Da name of my calling is Elpidio Abanquel. Sori and tenkyu.
Operator: Please spell out the name of the person you're calling phonetically.
Pinoy: Yes, tenkyu. What is foneticali?
Operator: Please spell out the letters comprising the name a letter at a time and citing a word for each letter.
Pinoy: Ah, yes, tenkyu. Da name of Elpidio Abanquel is Elpidio Abanquel. I will spell his name foneticali, Elpidio: E as in Elpidio, L as in lpidio, p as in pidio, i as in idio, d as in dio, i as in io, and o as in o.
Operator: Sir, can you please use English words.
Pinoy: Ah, yes, tenkyu. Abanquel: A as in Airport agen, B as in Because, A as in airport agen, N as in enemy, Q as in Cuba, U as in Europe, E as in important, and L as in elephant.

This is a Filipino in an American coffeeshop:

Waiter: What kind of coffee would you like, regular or decaf?
Pinoy: No, Big cup!! Big cup!
Waiter: What would you like for your breakfast?
Pinoy: Hameneggs.
Waiter: And how do you like your eggs, sir?
Pinoy: Yes, tenkyu. I like dem beri much.
Waiter: No sir, I mean how would you like them cooked?
Pinoy: Yes, tenkyu. I wud like dem cooked.
Waiter: (with increasing impatience) Would you like your eggs...fried? poached? hard boiled or soft boiled?
Pinoy: (with increasing uneasiness) Yes, one fried en one hard boiled or sop boiled.Waiter: And what bread would you like?
Pinoy: Begyurpardon?
Waiter: What kind of bread would you like? white? rye? Whole wheat? toast?
Pinoy: Pan Americano
Waiter: We don't have that.
Pinoy: Okey, gib me taystee.
Waiter: We don't have that either,sir.
Pinoy: Do you heb pan de lemon or bonete?
Waiter: Sir, you are wasting my time. I shall ask for the last time, what would you like for breakfast?

Pinoy: Donut plis....

Saturday, May 12, 2007

Wish Ko Lang


Back in JULY 2005 -- Sana ganito parin ako kapayat!

Just thought I'd put this up for inspiration. =)

Wednesday, May 9, 2007

Bayo <3 Barbie and Kitchie


Super love Bayo's website! Barbie and Kitchie both look so pretty sa pics nila dun... simple lang pero ang lakas ng dating. Nakaka-inspire tuloy mag dress-up at mag-ayos ng sarili.

Enjoy din ang background music. Astig.

Sunday, April 29, 2007

Cooking Mama

The past week was a really pleasant one because Mrs.Sungit is gone. Thank God!

Si cooking momma naman ang pumalit kaya heto't masikip nanaman ang mga maong ko. Oh well. There will come a right time for my diet. The mission is on hold until hmmm BIG QUESTION MARK.

Cooking momma -- I like that name! (No, I am not yet a momma although i'm already fantasizing on being one to an adorable baby girl) This is what you become when you read food blogs too much... and when you look at websites of Jollibee and Chowking when you're bored. Homesick or pathetic? you decide. Here's a list of what I made:

  • Lumpiang Gulay - Kanto style : ginisang toge, carrots, and giniling rolled in spring roll wrapper then deep fried until golden brown. Sinawsaw sa sukang manamis-namis na may bawang at sili. Napakasarap na merienda.
  • Sinigang na Baboy : Sabaw palang ulam na. I am still in the process of finding the perfect concoction for this.
  • Tinolang Manok : piece of advice: mas masarap na sahog ang sayote kaysa papayang hilaw.
  • Itlog na maalat: 25 days of keeping eggs submerged in supersalinated water -- we're on day 7 now. Sana hindi pumalpak.
  • Garlic Butter Shrimps - Dampa style : anyone can cook this up in 5 mins. Melt butter, brown lots of garlic, add shrimps, season with salt, add a little sugar, and you're set. Simple yet the taste is unforgettable.
  • Southwestern Chicken : Chicken breast marinated in lime, garlic, siling haba and olive oil. Grilled then topped with sliced cheese and salsa. I tried too hard to copy the Tony Roma's verison. Turned out so so. Kasing boring ng American Idol contestant na walang originality.
  • Special Turon : Dali-dali kong kinuha ang saging na saba nung nakita ko sa grocery. Bihirang bihira kase dito. LUCKY! Kaya ayun, ilang araw na sunod sunod na turon ang merienda namin. Bakit special? Dahil sinamahan ko ng cheese. Sounds weird pero masarap.
  • Pork Ribs Adobo: "TOP 1" daw ito sa lahat ng naluto ko ever sabi ni Rey. Inspired by Angel's mom's asado ribs. This is more of a sweet style and not so garlicky adobo. Sarap pero mas masarap parin ung kina Angel. Will post recipe someday.

So you see, a happy tummy drives the grumpy days away. Kahit pa sobrang stressful sa trabaho, guaranteed gagana to. Too bad nasa genes ko ang maging tabain kaya mahirap kong gawin to ng tuloy tuloy. Baka atakihin ako sa puso. Kung pwede lang makipagpalit ng metabolism kay Jenny Vee. That'd be heaven.







Tuesday, April 17, 2007

Mrs.Sungit

ABNOY ako lately. It's as if the "cheerful aki" that everybody knows suddenly decided to go on a vacation and a "mean, ireful aki" came to replace her.

Sino ba naman ang hindi maiinis kung ang gigising sa iyo e makating ilong at walang tigil na paghatsing? Sino din ang hindi mababadtrip kung ginagawang iputan ng mga ibon araw-araw ang sasakyan mo? Sino ang hindi madedepress kung minamaliit ka ng boss mo?

at... sino ang hindi madidisappoint sa kanyang sarili kung nabale-wala ang dalawang linggong pagtitiis sa diet?... waaaaaaaaah. 128 nanaman ako.

hay buhay.

saka nalang uli ako mag-uumpisa kapag ok na ang lahat.

Saturday, April 7, 2007

Good Friday

for some unexplainable reason, i did something that could have taken my life instantly on my way home. And yet... i am still here, alive and 'blogging'.

I am not a believer of the popular saying na patay ang Diyos tuwing Biyernes Santo, and what just happened is solid evidence to disprove it all the more. Yup, I know mababaw. Pero alam ko din na hindi ito ang rason kung bakit Niya ako sinagip kanina.

WAKE UP CALL -- that's what it is. Maybe I am not paying as much attention to some important aspects of my life as I used to. And I need to do something about it. NOW.

Friday, April 6, 2007

<3 Regine Forever! <3


This is Regine's most beautiful picture ever! Love the hair, love the makeup...

and this song, oh man, nakakainlove.

Sana may concert uli siya pag-uwi ko this year. sana sana sana!





Regine_Velasquez_-...




Tuesday, April 3, 2007

DIET Update 1

Time Frame : One week

Starting Weight : 131 lbs
Current Weight : 124 lbs

I Lost : 7lbs


Changes:
  • less bulges and cellulite patches in the tummy area
  • fat-drowned shoulder bones are now starting to protrude
  • face is no longer "MAGA" hahaha yahoo!
  • less "TAMAD" / lethargic moments

Guilty Pleasures

  • Mondays and Thursdays are problem days. Tambay time ko to sa bahay nila mama e. Ang dami daming temptation doon -- chocolates, chips, yummy pastries, tapos madalas nagluluto si mama ng ulam na nakakasabik. Bukod sa mga 'to, ang daming malapit na kainan at sa kanila. Tatlo tatlo ang Starbucks at McDo... hay. Honestly, sa timeframe na ito siguro naka dalawang beses akong nandaya dahil dito.

  • My addiction before I started this diet:


A&W's "Curiously Delicious" Cheese Curds -- super yummy 650 calorie deep fried white cheddar cheese. Bawal ito sa diet. Pero one time, hindi ko napigilan ang craving ko kaya nagsacrifice ako ng 2 full meals para dito. Turns out ok lang pala na gawin 'to dahil nabawasan parin kahit papano ang timbang ko the morning after.





  • I somehow thought of never buying anything for myself until I've reached my goal for motivation. Sinubukan ko and I was doing well... until I saw these Revlon Limited Edition Collection goodies, hala pakyaw agad e! ayokong maubusan. ang tagal ko pa namang hinintay na lumabas ito dito:



I like how they instantly give a glowing, healthy flush of color on my cheeks and lips. Natural na natural ang dating kaya I love them. Two of my greatest beauty buys ever so NO REGRETS!


So, am I contented with what's going on in my 'mission'? YES! I am so thrilled at how quick the diet is working for me and Rey. He lost about 8 lbs already and everyone was telling him na pumayat talaga siya. Astig. Ang hindi ko lang gusto na nangyayari ngayon eh wala parin akong progress sa pagtakbo. I will try my best to improve this week. =)
Let's see how it goes for one more week. =)



Monday, April 2, 2007

Happity Happy

Bentang benta tong movie na to sakin! Soooo cute! Wish I could dance like this, haha!


Sunday, March 25, 2007

Mission Break

Back to square one ako dahil sa inattendan naming party kagabi. Ang maganda nito e dalawa na kami ni rey sa misyong to-- kahit na aalis nanaman siya papuntang Alaska.

So anong resulta bago ako huminto? I lost 3 lbs in 3 days.

Tignan natin kung ano ang mangyayari after 2 weeks.

Friday, March 23, 2007

A Happy Thought


Follow your dreams. They do come true, you know.

Tuesday, March 20, 2007

The Papapayat Mission

I CAN DO THIS!

GOALs:

  • 110lbs -- am now 130
  • 26 inch waistline -- from 30.5 (should i even be sharing this?)
  • arms to make my sleeveless tops wearable again -- from mala-hitang braso
  • "shorts"able legs
  • be able to run for 20 mins without stopping

PLANS:

  • South Beach Diet
  • Run on Mondays, Wednesdays, Fridays, and Saturdays
  • Rockstar Workout at home

"Thin"spiration

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket


The Initiation

To jumpstart my mission, Rey and I went jogging last night for about 45 mins. Di manlang ako makatagal ng dalawang minuto nung una! yikes. Kalaunan nasanay din. 5 min walk tas 3 min run, 5 min walk uli tas 5 min run hanggang sa makatakbo na ako ng dalawang blocks. Pagdating namin sa condo, imbes na mag elevator kami eh sa hagdan kami umakyat... up to 7th floor. HIRAP! but I was very motivated dahil kay Rey, astig un, kayang kaya nya tumakbo ng ganon katagal ng walang hintuan. Not to mention very determined at supportive siya =)

DAY 1 on the SBD

Basically, NO-NO ang sugar, carbs, and fruits for Phase 1 w/c will be done in 2 weeks. Supposedly 8-13 lbs ang mawawala. Sana totoo!

Breakfast : Tuna Omelet

Snack : Decaf, non-sugar suisse mocha coffee

Lunch: Subway Club Salad w/ Light Mayo Dressing

Snack: 15 Almonds & Diet Pepsi

Dinner: Boiled Eggs and Miso Soup

**notes: i miss chocolates already. I also started craving for cookies after watching 'Stranger Than Fiction'. May konting headache pero hindi ako sure kung dahil sa diet un. =) Bukod sa mga ito, wala namang problems so far. =)

Friday, March 16, 2007

What Happened?

People who know me well enough know that I have always been conscious about my weight. And even if they know why, they think that i worry about it too much. (Just in case you do not know why, 4 words will answer that: OBESE adolescent = Horrible memories) When I complain "nako, ang taba taba ko na" , my sister would always tell me, "what are you talking about? you're overreacting. you are NOT fat," my friends on the other hand would say, "ano ka ba, sapukin kita jan eh" haha.

Nowadays when I complain about being big, I only get 3 possible responses: 1. Silence -- means yes wika nga nila. 2. Disagreement na pekeng peke and 3. straight to the point "OO nga". Even my mom who never really says anything when I complain about it before now tells me, in a very motherly and worried tone, "Anak, ang taba mo na". To make it even worse, people would ask "Buntis ka ba?" OH MY, ganon na ba talaga kalaki ang tiyan ko?

So there. Kung dati, feelingerang big lang ako, ngayon talagang big na ako.

What happened?

Siguro the best answer for that is: ako ay "napabayaan sa kusina" ~ literally. at... well, sa kung saan saan pa. Starbucks almost everyday, mcdo twice or thrice a week, bk, a&w oh man lahat na ata ng fastfood eh kinakainan ko ng madalas. Chocolates. Isa pa yan, my weakness. Yung isang tao kase jan iniispoil ako. A runner-up answer would be lack of physical activity. Kung dati nag tataebo, pilates, walking , jogging, jumping rope ako, ngayon wala. as in zero. Ang tamad tamad ko na!!! (more on this on my next post)

Ngayon?

I really really need to shed about 20 lbs to get back in shape. I need to do it soon bago magsummer dito. Starting monday, I'll be doing the South Beach Diet kasabay ng pag-exercise twice to thrice a week. So... baka magsawa kayo sa kakapost ko about this. Anyway, wish me luck!

Tuesday, March 13, 2007

For Future Reference

Para sa mga badtrip na araw. Katulad ngayon. Pag lahat ng tao sa paligid mo eh gusto mong ganituhin:


The following is a letter found at a certain bar in Manila and has been preserved in its original, unedited form. Enjoy reading and you may try direct translation in Tagalog.
In any case, you'd probably have to be an expert in your own right to write like this!


To Marjie,

I am not surprise or wander why Dennis leave you.

Why?

What reason you can think about but you're very fat body. I thought before that Dennis only use me to his toy but sooner and later I'm realize that he really can't not beared or stomached to be with you anymore because at first,Dennis say he could not stand you're habit of making pakialam all his walks [lakad] and always calling to their house what he go home or this or that and then he say he get ashame to met iether in school or in his family and then asking you to exercise you're very very ,very fat body but you hate it thoughth your the most preetiest girls he knows about what do you think you are "Beautiful Girl " of Jose Marie Chan even you are beautiful face to your think) you do not have the right to called me whatsoever or else different name one time or the other for the real purposed to insults my personality because I'm never call you names iether in the front of Dennis or in the backs of Dennis, but if you start already to calling me different name, I don't have any other choice but to call you other different name to like you are a PIG, FAT, OBESSED, OVERWIGHT, AND UGLY SHAPE girl. Shame to you're body that is to a BUDING. You can't not blame Dennis for exchanging you to me because I am the more sexier than you when you look to us in the mirror. I'm repeat again that you are like Ike Lozada when she is a girl.
FROM: THE SEXIEST GIRL OF D.M.

P.S. You say that I'm the bad breathe but who is Dennis want to kissed. Me or you? You or me? And the final is me.

There you go.

Sunday, March 11, 2007

Katas ng Kadena


Congratulations Sugar Rey!



March 3, 2007 -- I will never forget how loud they roared and applauded when your name was called. They went crazy for you like you're THE MAN.

I am so proud of you.


Wednesday, February 28, 2007

Nocturnal Animals


Fun begins at midnight for me and my husband. Nagstart 'to this month when we were both assigned to work night shifts. Usually I get home about 30 mins ahead of him. During that 30-minute gap, what I do is cook dinner (yup, i can cook now, yahoo!), clean ng konti, and sometimes try to fix myself up para presentable naman.

When he gets home, ayan na... kulitan na yan. Favorite nyang manggulat habang papasok ng bahay, as in dahan-dahan siya para walang sound... too bad palaging nabubulilyaso ang plano nya. Aside from that, uso samin ang umacting na para kaming bida ng pelikulang pilipino... he's good at it, mala-Cesar Montano kumbaga, ako naman e parang starlet na trying hard. haha!

Being a movie addict that he is (and I have become), dinnertime is never complete without watching any flick. Kahit pa TV show yan na nasa DVD, papatulan namin. Madalas sa sobrang katagalan at kasarapan ng pagkakaupo namin sa harap ng TV, nakakatamad ng maghugas ng kinainan! Kaya the morning after... wahhh, the sink looks like, and stinks like hell. Yuck. It's a bad habit really, that's why I try hard not to be taken over by the "mamaya na" state of mind.

After this, which would be 2-3thirtyish already, he either plays games or mag-uunahan kami sa internet. I'd watch regine clips from youtube, oh man I miss watching her on SOP, see new pics on friendster, read makeup reviews in makeupalley.com, and explore mostly girly stuff like online magazines and forums. Rey would go to every gaming site there is on the planet to read and watch game reviews and demos. I believe that next to me, the most important thing in this world for him is gaming. In other words, hardcore gamer siya. Put more simply, adik siya. (haha! peace tayo Rey! )

And so the nights end with me falling asleep beside him while he's playing his games until 5. (see, adik talaga!) The fun doesn't stop at that though. Kahit tulog kami I know we're still enjoying each other's company. Taking turns at hugging who, laughing at who snores, and well, other stuff. hihi.

Monday, February 26, 2007

WELCOME!

For my loved ones far far away... here's my way of keeping you posted!