Saturday, July 21, 2007

Long Distance Love

Nakaya kong mawalay sa kanya dati ng isang taon, kaya 'sus, limang araw? SISIW! 'Yan ang sabi ko sa sarili ko bago umalis si Rey nung isang araw.

Pahiya ako. Akala ko madali lang, hindi pala.

Bakit ganon? Dahil ba mas emotional ako recently dahil sa pagbubuntis ko? Dahil kaya matagal tagal na din siyang hindi umaalis ng biglaan? Pwede. Pero sa tingin ko, kaya ako nalungkot at nahirapan eh dahil ibang-iba na kami ngayon kumpara nung last naming paghihiwalay. Hay. Ayokong ayoko pa naman ng nakakasense ng pagbabago. Pero anong magagawa ko? Sabi nga nila, ang nag-iisang bagay sa mundo na hindi mo mababago ay pagbabago.

oh well. bukas ng gabi, mga ganitong oras naman nandito na siya. masaya ako dahil magkakasama na uli kami. =) pero may halong lungkot parin...

iniisip ko kase na kung 5 days nga nagkakaganito na ako, pano pa kaya yung 4 months na haharapin ko na wala siya?

Good luck nalang sa akin. =)




No comments: