Saturday, August 15, 2009

Feel Ko Lang


:) I'm sure naranasan nyo na rin yung ganito, yung kating-kati kang magsulat pero wala kang maisip na topic. :) So eto, mga samu't-saring pangyayari sa akin nitong mga nakaraang linggo:

  • Before I left Japan, I told myself that I would have a great job by August. Mid-August na, wala parin akong trabaho. May dalawa akong naging chance na hindi talaga para sa akin. Yung isa sabi, tatawag uli. Obviously hindi tumawag. Yung isa naman... kaduda-duda. I trusted my instincts kaya pinalagpas ko nalang. Ang buhay nga naman. Hindi parin naman ako nawawalan ng pag-asa. Alam kong ito ang plano ng Panginoon para sa akin. Bukod dun, may isa akong target talaga na wala sa aking mga kamay ang kahihinatnan. Naghihintay nalang ako. :)
  • Araw-araw na akong umiiyak. Well, halos. Dahil kay Santino. Dahil sa "May Bukas Pa". Ano ba?! napakaiyakin ko talaga. Favorite ko yung guesting ni Dolphy. Ang galing niya na magpatawa, ang galing pa magdrama. :) Bukod sa palabas na ito eh medyo naaadik na ako sa iba pang telenobela/serye. Hindi talaga ako ma-telenobelang tao kaya nagugulat ako sa sarili ko na parang automatic na ang pagpindot ko sa remote para manood. :)
  • Ang sarap ng may cable!!!! Ilang taon akong hindi nakaranas ng cable. Siyempre the best part of that ay yung pagkakaroon ng The Filipino Channel. Nakakabawas ng pagiging homesick ko sa Pinas. Sana may Japanese Channel din para mabawasan yung pagkamiss ko sa Okinawa.
  • Miss ko ang maging artistic. Wala pa uli akong nagiging outlet magmula nung tumigil akong gumawa ng cupcake. Ayokong umpisahan uli ang cupcakes dahil tataba ako!!! at si Rey. Si Kenshin magiging hyper!
  • Ayokong tumaba dahil OMG -> ayon sa Wii Fit, I am at my lowest weight since nung after kong tumaba nung bakasyon ko sa Pinas noong 2005. Nawiweirdohan nga lang ako dahil pag tinitignan ko ang sarili ko, parang hindi naman ako pumayat... hay. Basta masaya nalang din ako dahil accurate naman ang Wii Fit eh :)
  • Pumayat siguro ako sa kakatakbo. I am training... although not as hard as I could. Note to self: Konting EFFORT pa!
  • FACEBOOK - paano nalang ang mga araw ko kung wala ito. It keeps me sane. :)
  • Miss na miss na miss na miss ko ang Japan, ang pamilya ko doon, ang mga Japanese na karatula, commercial, lahat. Kanina pag-gising ko biglang may Japanese word na sumulpot sa ulo ko... nafrustrate ako dahil hindi ko siya maspell using Jap characters sa isip ko. Siguro dahil nawala lahat ng Japanese na sulat sa paligid ko kaya kinakalawang na ako. :( I need to go back. Quick. Sadly hindi ako makapagplano dahil malamang kukulangin kami sa budget. So GOAL ko talagang magkatrabaho. Sabi nga ni papa, "Ganbatte ne?" -- translation: "Galingan mo ha?" ... opo :)
  • I feel so lucky lately. Una nanalo ako ng coupon sa Old Navy. Aba early this week naman, nakita ko ang picture namin ni Kenshin sa TV! Nagbigay kase ako ng picture sa friend ko who is in Advertising. Hindi talaga ako umasa na mapipili, sabi ko there is no harm in trying . Hehe. Ang saya! :) Sana tuloy-tuloy itong pagiging swerte ko :)
  • Yup, I know, mukhang tanga yung pic. Bagong hobby ko yan. Mag self-timer sa Camera, magphotoshoot ng sarili ehehehe :)

Sunday, August 9, 2009

Lucky.

Nakatiyamba ako ng coupon na...

$75 off a $100 purchase

from OLD NAVY! woohooooooooooooo!!!!

So today I went there. Ang hirap pala magshopping pag malaki ang budget. I can't decide what to get. :) Nakakahiya sobra kay Rey kase nag-intay siya sa kotse ng 1 hour... sabi ko pa naman 20 mins lang. HEHEHEHE. Nagalit daw siya pero nung nakita niya ako na ang konti ng bitbit, natawa nalang siya at tuluyan ng nawala ang pagngingitngit. :) Bait talaga.

I got myself a great pair of jeans, a good khaki jacket, and a couple of basic tops. For Kenshin, I got a few pairs of socks. I bought a nice tee for Rey also. AYUS.

Wednesday, August 5, 2009

20 Minutes

Hindi ako makapaniwalang nakatakbo ako ng 20-minutes. Tuloy-tuloy, walang lakad. :) At hindi sa pagyayabang, sa loob ng 5 weeks na pagtakbo ko, first time kong isinama si Kenshin. Buong oras akong tumakbo na tulak-tulak si Kenshin sa stroller. :)

Ito na siguro ang pinakamalupit kong nagawa na physical activity. 8 years ago, nasubukan ang kakayahan ko sa pagtakbo. Out of 30, ako ang nataguriang "last man". Wala pa yatang 5 mins, naglakad na ko hanggang makarating ng finish line. Nakakahiya. Sabi ko sa sarili ko, hindi na mauulit pa ang ganoong failure. So here I am, training hard.

Sa takbo ko kanina, may isang bagay akong napatunayan:

Sa mga oras na parang hindi mo na kaya, na gusto mo nang sumuko, tumuloy ka lang. Magugulat ka nalang sa layo ng mararating mo.

Ang sarap ng pakiramdam. :)



Spot On

Got this from facebook:

Akiko got a message that on this day, God wants her to know...
... that decision is only wishful thinking until you take that first irreversible step.

You can tell yourself that you have already decided, that nothing now can stop you, but if that step backwards is so much safer than step forwards, what will hold you true to your path when the going gets tough? Sometimes, the right thing to do is to take that first irreversible step, the one after which you cannot go back. And now, for you, is one of those times.

Saktong-sakto to. Amazing. :)

Saturday, August 1, 2009

Okinawa Soba

It is a sad and touching story. After telling it, the narrator cries. :(

Okinawa Soba is no longer just a satisfying meal to me. It has a whole new meaning.

I miss you too, Okinawa.