Tuesday, December 14, 2010

Personality

Habang tumatagal ako sa trabaho, mas madami akong nasasagap na impormasyong winiwish kong hindi ko nalang nalaman.

Napag-usapan nila minsan ang isa kong nakatunggali sa posisyong hawak ko.

"By the way, that's the person that Tom wanted to hire"

ummm okay, how does that make me feel?

Hiring kami ngayon at nagbabasa-basa yung boss ko ng resume. Bigla nanaman akong napasok sa usapan... sabi ng boss ko tungkol sa pagkakatanggap ko sa position ko:

"Andrea got us with her fantastic personality, her outgoing personality"

Kung may sarcasm meter lang sa tabi ko, pumutok na siguro sa sobrang sarcastic ng comment na yun.

I just laughed, but honestly, I was slightly offended.

Tahimik kase ako, alam nyo naman yun. Pero sa workplace na ito, lalo akong tahimik. At ang rason kung bakit ako tahimik ay tinatamad at medyo nahihiya akong mag-English. HAHAHA. Wala tuloy ako masyadong kinukwento. Wala tuloy sila masyadong alam tungkol sakin. Oh well.

Sana naman eh mabago ko yung tingin nila sa akin. Sana habang dumadami yung mga bagay na nalalaman kong hindi ko naman kailangan malaman eh dumadami din yung nalalaman nila tungkol sakin :)

*sigh*

Monday, November 15, 2010

Some Thoughts

Wala akong magawa. Masyado itong mahaba kung sa facebook ko ilalagay, at! baka may matamaan kaya dito ko nalang isusulat. At! wala siya masyadong kwenta kaya wag nyo nalang ituloy kung wala kayong panahon sa miniscule na mga bagay-bagay.

Tumatanda na nga ata talaga ako. Papano, padami na ng padami yung mga uso na hindi ko ma-gets. Kahit kelan, hindi ko makita ang sarili kong magsusuot/maglalagay/gagamit ng mga sumusunod:
  • Oxford flats
  • Neon-colored anything
  • Harem pants
  • mga ma-lace na damit na hindi naman pang-pormal na okasyon.
  • super bright na eyeshadow
  • super dark na lipstick
  • warat-warat na anything
  • leather leggings
  • headband na binabalot sa noo imbes na sa buhok. ugh i hate it.
Nakakairita but that's just me. Wika nga nila, different strokes for different folks.


Friday, November 5, 2010

Bad Week

:( :( :(

Ngayon naiintindihan ko na kung bakit ang daming gustong magpakamatay.

Monday, October 18, 2010

Artist


This is what's keeping me busy since July. I design stuff.

Ang saya!!! :D Nag-eenjoy talaga ako sa trabaho ko. Never kong pinangarap na maging kabuhayan ang aking creativity pero mabait talaga ang Diyos. Gusto Niyang magamit ko ang talentong binigay Niya sa akin.

Ang magandang title siguro ng post na ito ay God's Plan part 2. Naaamaze kase ako tuwing naiisip ko na itong bago kong trabaho ay part uli ng plano Niya para sakin. Ikukwento ko ang nangyari:

Bumalik na si Rey nung June. Nagdadalawang isip kami kung magreresign na ba ako sa PNB o itutuloy namin ang setup na magkalayo kaming mamumuhay. Sayang din kase ung trabaho ko sa LA.

Dahil hindi ko masikmura na hahayaan ko siyang mag-isa samantalang kakagaling lang niya sa pagiging mag-isa sa disyerto, napagpasiyahan kong magresign nalang. Kawawa naman si Kenshin, lumalaking malayo sa ama niya. Kawawa din si Rey, ang dami niyang namimiss na milestones sa buhay ng anak niya.

Sabi ko, bahala na kung makahanap man ako ng trabaho o hinde. Ang pinakamahalaga sa akin nung time na yon eh yung mamuhay kaming magkakasama.

Tumitingin-tingin na ako online ng mga opening. May isa talagang agaw-pansin. Binasa ko ang job description, aba! Salamat sa layout design na naexperience ko sa Statsoc, confident akong qualified talaga ako. Pwedeng pwede. So nag-apply ako. Why not diba! Ang maganda nito eh ung opening ay sa loob din mismo ng base na pinagttrabahuhan ni Rey. Perfect setup kung matatanggap ako. Sabay kaming papasok, sabay kaming uuwi, sabay pa kami maglulunch! yey!

Aba, aba, aba! Pagkaresign na pagkaresign ko sa PNB at pag-balik namin dito sa Norte nung July, natawagan ako for an interview. Tuwang tuwa ako!!!
Kabang-kaba rin at the same time.

2 parts ang interview. Face-to-face at practical test. Sa totoo lang, nabulol-bulol ako sa face-to-face. Papano ba naman, nasanay akong tagalog sa trabaho ko sa PNB sabay bigla akong masasabak ng English! whew nosebleed! Simple lang naman ang mga tanong eh. Pano mo pinaprioritize ang workload mo? Anong gagawin mo kung ganito? kung ganyan? Ano ang alam mo sa military way of doing business? Itong huling tanong ang sa tingin ko natumbok ko ang sagot. Salamat sa mga kwento sa akin ni Rey, alam ko kung ano ang military culture. Pagkatapos ng tanungan eh test naman. May sample poster. Kailangan mong magaya using Adobe InDesign. In fairness, close copy ang nagawa ko! Buti nalang may kopya ako ng Adobe na the day before ko lang ininstall... at buti nalang madaming tutorial sa youtube na the day before ko rin lang inaral!

After 2 days, tinawagan ako. Congratulations daw, I made it to top 3. Wow. Akala ko talaga wala akong pag-asa dahil hindi ganun kaimpressive para sa akin ung mga sagot ko sa face-to-face. Natumbok ko siguro sa practical test. So, dahil kabilang ako sa top 3, kailangan kong bumalik para sa 2nd interview. Nakupo ano kayang mga itatanong??? Pagdating ko dun, wala. Pinaupo lang ako sa harap ng computer at binigyan ng practical test. Thank goodness wala ng oral interview!!! Nasabak ang creative powers ko. PInagdesign kami ng poster from scratch given limited info... and 20 minutes. hahahahaha naloka ako. Pero BOOM!!! Type ko ung gawa ko ha, simple pero may dating. And apparently nakita nila un. Tinanong tanong nila ko kung bakit ganoong picture ang napili ko. Inexplain ko na dahil 20 mins lang ang bigay sakin, I had to make it simple yet eye-catching. Mukhang naimpress sila.

3 days after tinawagan ako ng HR. Congratulations, you got the job. Napa-OMG ako sa facebook status ko. Nung inannounce ko na may trabaho na ako, super daming natuwa for me. At siyempre tuwang tuwa din si Rey! :)

1st day of work ko ay August 4. Kinwento nila sa akin na 65 ang nag-apply para sa trabaho ko... 11 ang ininterview, 3 ang nag 2nd interview at finally ako ang napili. Sabi nila, they saw something in me. Wow. Nakakataba ng puso. Pero hindi ako sa abilidad ko nabilib eh. Naamaze ako na pinlano talaga ito ng Panginoon para sa akin. Biruin mong 60+ katao ang nakatunggali ko at ako ang napili???? At ang isa pang nalaman ko na lalo pang nakadagdag sa amazement ko is, the last time na nag-open ang position na ito ay 4 years ago. Perfect timing! Para sa akin talaga ito. Amazing. Thank you, Lord. :)













God's Plan

(our last picture in our North California place)


Around this time last year, I made one of the toughest decisions in my life.

At that time, I have been in the US for 5 months and I still haven't found a job. It was depressing. I kept blaming the economy and our location. I was losing confidence in myself. Then an opportunity came along. My sister-in-law who works in PNB Los Angeles suggested that if there was an opening, why not try my luck in LA.

Rey and I both grew up in a typical middle-class Filipino family where the mother stays home raising the children while the father is working overseas. Given that we are both used to such setup, one would think that the decision would have been made in a snap. That was not the case. He wanted me to go for it. I desperately wanted to start a career. So what made it a tough decision? It was the thought of him not having anyone to come home to. :(

We both decided that I go for it. If it doesn't work out then I'd quit and return to life as usual.

*** hahaha okay oras na para magpakatotoo. nauubusan na ko ng English. ***

Ganito kase yun. Desperado na talaga ko. Pero ayokong iwanan si Rey. Feeling ko napakaselfish ko pag iniwan ko siya para lang magkaroon ako ng career. Naalala ko nung nagpropose siya at umoo ako, niyakap niya ko at sinabi niyang, "Thank you, hindi na ako mag-iisa" -- paano nalang yun kung iiwan ko siya? So ayun... labag na labag sa loob ko.

Isa pang pumipigil sa akin ay ang nakikini-kinita kong nakakailang na sitwasyong makikitira ko sa mga biyenan ko. Napaka-common nito sa Pilipinas pero wala akong karanasan sa ganon kaya natatakot din ako. Marami-rami na kase akong naririnig na horror stories about biyenan vs. manugang HAHAHAHA :)

Matapos naming pag-usapan ng masinsinan, napagdesisyunan naming subukan ang aking kapalaran. Sa totoo lang hindi ko alam kung paano ko nakumbinse ang sarili kong kakayanin naming magkahiwalay... parang may bumulong lang sa unconscious namin ng "everything will be ok."

Nainterview ako, at BOOM tanggap agad. Noon nag sink-in sa akin na heto na, totoo na 'to.

Naiwan na kami ni Kenshin sa LA. Bumalik na si Rey sa North. Nadurog ang puso ko nung sinabi niyang umiyak siya nung pagbukas niya ng pinto ng apartment namin at wala kami doon. Ayun na nga ba ang kinakatakot ko. Mula ng magpakasal kami sinabi ko sa sarili ko na never kong ipaparamdam sa kanya na mag-isa siya. Naguilty ako ng sobra. :(

October 18 ako nagsimulang magtrabaho. Lumipas ang mga araw at sa awa ng Panginoon eh wala naman kaming naging problema. Hanggang matapos ang isang buwan, ginulat ako ni Rey sa balitang aalis siya for 6 months. Call of Duty. Nalungkot ako. Pero dahil mahilig akong tumingin sa positive side ng mga bagay, ito ang naisip ko: pinapakita sa akin ng Diyos na planado na talaga niya ang buhay ko...

Kaya pala hindi ako makahanap-hanap ng trabaho sa Norte dahil sa LA Niya ako gustong mapunta.

Kaya sa LA dahil gusto Niyang makasama ko ang pamilya ni Rey para hindi ako mahirapan at malungkot habang wala siya. Gusto Niyang nandoon kami ni Kenshin para hindi masyadong mag-alala si Rey.

Ang galing noh? :) Tuwing naiisip ko ito, mas lalo kong naaappreciate lahat ng dumarating sa buhay ko.

Thank you, Lord.

Oh, and by the way. Walang biyenan vs. manugang action na nangyari. Napakabait ng pamilya ni Rey at sobrang thankful ako na tinuturing nila talaga akong parang anak. :)











Friday, August 6, 2010

Dream Career


Yesterday, Aug 4,2010, I started my career with the United States Air Force. :D *details to follow...

Saturday, July 31, 2010

Wishlist


I watched Julie & Julia yesterday and there's something I saw that I really really want for myself...


a pearl necklace like Julie's & Julia's! :)




Wednesday, July 7, 2010

Changes



I'm starting with a clean slate. As if I know nothing. As though I want nothing.

Wednesday, June 9, 2010

Home At Last


June 4, 2010 -- We meet again. It feels so good to be together!

Thursday, May 13, 2010

Slow

Lately things have been slowing down.
  • WORK : Hindi na kasing busy ng dati. Most likely dahil may isa kaming service na hindi muna sinusupport. Plus nilimit ang aming pagpapalawak ng capabilities. Nakakamiss din yung halos hindi ka na makapaglunch break dahil sa kabusyhan


  • HOUSE : Haha. Halatang bahay - trabaho lang ang buhay ko. Sa bahay, back to normal na ang buhay ko dahil kay Dellilah. Congratulations to me for surviving half a month without a laptop at home. Blessing na din kase nare-discover ko ang aking love for reading. Binasa ko yung The Lost Symbol ni Dan Brown. WOW. Exciting sobra. Page-turner talaga. Nakakapuyat.
  • WEEKENDS : Last Saturday I had the whole day for myself. Sinama nila Kath & Mharje si Kenshin sa dalawang party. So I went to Beverly Center (one sosyaling mall, think Shang), had free coffee for breakfast :




Starbucks has some promo going on na happy hour from 3pm - half-off Frappuccinos :) kaya hinintay kong mag-alas tres at yun nalang ang ginawa kong lunch. Ang adik ko talaga sa kape. hehe. Buhay dalaga ako nung araw na iyon (buhay walang anak ang mas appropriate na term). Super entertained ako sa mall. So many beautiful people! I'm guessing madami sa nakita ko ay mga model. Hay. Kailan kaya ako makakakita ng Hollywood star?? Mag 7 months na ako sa L.A., ni isa wala pa ko nakikita sa personal. I should probably go out more.

Salamat kina Kath & Mharje for giving Kenshin & myself a chance to enjoy our Saturday. :)

Ang bagal ng oras pag may inaanticipate ka! Si REY ang inaanticipate ko. I miss him so much. Miss din siya ni Kenshin. He would say Dadda out of the blue. Ano kayang reaction niya pag nagkita sila?

Friday, May 7, 2010

My Dellilah


The laptop that rey let me borrow while he's away decided to retire early. So here comes Dellilah to rescue me. :) ♥
I can see my IT career slowly blooming. :)


Wednesday, April 28, 2010

Stylish



Naisip ko lang... 

Ito ang style para maiwasan ang masasamang araw :

1) MagBINGI-BINGIHAN -- Kung may isang tunog na nakaiirita sa iyo, yung tipong nakakasira ng araw mo, magbingi-bingihan ka nalang tuwing maririnig mo ito. Or lakasan ang sounds. Problem Solved.

2) MagBULAG-BULAGAN -- Kapag may mga pangitaing hindi kanais-nais, isipin mo nalang na parang hindi mo ito nakita. Baguhin ang state of mind. Isipin nalang na hindi lahat ng tao ay pare-pareho. Think happy thoughts. Smile. 

3) MagTANGA-TANGAHAN -- Ha? Ano un? hehe :) Yan ang style para hindi ikaw ang pagtanungan palagi. Kapag pinakita mong all-knowing ka, humanda ka sa kakulitan. 

4) MagpakaMANHID -- Matutong magdivert ng nararamdaman. Isipin mong bukas, hindi na ganyan kasama ang iyong nararamdaman. 

O diba, winner!

Sunday, March 28, 2010

Paris Baguette


They look delish, don't they? :) These are my 2 favorites from Paris Baguette, a Korean bakery-cafe that's only a block away from my office. I am so in love with that place. I go there about 3-4 times a week kaya it won't be a surprise if I gain weight in the next couple of months. :) Babawiin ko nalang sa gym.

Ang sarap, promise. I love their California sandwich (first pic) -- crab meat salad with crisp cucumber, fresh tomatoes plus avocado in buttery, flaky croissant. YUMMMMM. I also like their egg tart. Though it is not as great as Lord Stowe's in the Philippines, it's the next best egg tart I've tried by far.


And these heavenly things my friends, give me another reason to love going to work.

Package!


Thanks so much to my family in beautiful Okinawa! :)
Big smile talaga ako habang ina-unpack ko ang package.

Friday, February 12, 2010

Baon sa Utang

Sobrang dami kong gustong i-blog. Ang dami ko ng utang na post, utang na loob!!! 


Saan ba ko mag-uumpisa? 

Allow me to explain kung bakit ako nabaon sa utang...


WORK


I wished for a career, and now I have one. I feel so blessed. I can truly say that I have progressed as an IT professional. Dati-rati, helpdesk pro lang ako. Ngayon, samut-sari na ang nalalaman ko. SQL, Windows 2k3 Server, Microsoft Reporting Services, at madami pang iba. Sarap talaga magtrabaho kapag gusto mo ang ginagawa mo. Idagdag pa natin doon yung saya mo kapag kasundo mo ang mga katrabaho mo. Astig. But, there's always a catch. Hindi kalakihan ang kita pero ok lang talaga sa akin kase masaya ako :) 

Never akong nauubusan ng ginagawa doon. Bukod sa pagsuporta ng mga branches namin through phone & email, may mga projects din na kailangang maaccomplish. Naka-isang project na ako at huwag ka, ok ang resulta. Not bad for starters. :) Ngayon may project uli ako pero mas challenging. Challenging in the sense na zero knowledge ako. Nangangapa ako pero unti-unti ding nagkakaroon ng liwanag. Sana hindi ko madisappoint ang mga superiors ko. Sana talaga.




LIFE OUTSIDE WORK


Yes, I actually have a social life kahit super busy sa trabaho. Social life ko ng maituturing ang di nauubusan ng topic na daldalan namin ng sister-in-law kong si tintin sa gabi at  ang paminsanang pagdalaw sa amin ng dalawa pa naming BFF na sina Kath at Mharje. Kung anu-anong ginagawa namin. May make-up session, dance group recital, food trip, movie night atbp. :) Saya! :) 


Favorite ko nga palang magluto ng kahit ano pag sinisipag ako. So far ang nailuto ko na ay Menudo, Japanese curry, Chicken Cream Stew, Baked macaroni, Red Velvet cupcakes, at Bibingka. Pangarap kong magluto ng Bicol Express, Caldereta, Katsudon, saka Palabok. Good luck nalang kung kelan. 6 days a week kase ako nagttrabaho. At ang supposed rest day ko eh laundry day ko din. Yun pa nga pala ang isa pang catch sa aking career.

My Kenshin is growing up so fast. In a few weeks, magttwo yrs old na siya. Handaan na ito! 

Thank heaven for little ones. Kenshin & KC relieves my stress just by being there.  Si Kenshin niyayakap ako palagi at nakakatuwa sobra kapag nagagaya na nya ung mga sinasabi sa TV. :) I love my son so much :)




LOVE LIFE

Miss na miss ko na si Rey. Kapag napapanaginipan ko sya, ayoko ng gumising. Excited na ako dahil almost halfway na ung deployment nya eh. Thankful talaga ako at may trabaho ako, kung hindi, nabaliw na siguro ako sa lumbay. Thankful din ako dahil madalas kaming mag-usap, as in araw-araw. Di tulad nung last nyang alis na bihira talaga. Hay. Swerte ko! :)




DREAMS 


I haven't given up on that one dream. In fact, I've already taken the first step. :) Wish me luck and pray for me! :)


WEIGHT ISSUE


I have none. :) Happy na ako sa PIGure ko. hahahahahaha. Ni hindi ko akalaing aabot pa ako sa ganitong level. :) Thanks to the stress of being new at work and to my coffee addiction. Oh and sa gym pala. I started going to the gym nitong Jan 18th. Todo pawis! Treadmill ang kinakareer ko kaya ang legs ko eh macho na. HAHAHA but I'm loving the way they look now. They're so me. Astig na sexy. BIRU lang. :)

...


Itutuloy...

My Nephew ♥

 

I wish I could fly back to Okinawa to cuddle our family's newest bundle of joy. 
Meet Shaun Keiji Williams. Totoo pala ang love at first sight. :) I love my keiji-kun!

Wednesday, January 27, 2010

My Tito Niel

Posted by Picasa

You are so deeply loved Tito Niel. Thank you so much for taking good care of Lola. Thank you for being a great brother to Mama and a great uncle to us. You never fail to make us smile when we see you.


All my fondest memories of you are coming back... your funny pig named "MACHO", the "E-EYOT" dance you taught Nori, how you call Kisean "WAKANGA", your ADOBONG MAMARANG, the SPAM&CORN dish and all the great food you prepared for us, your funny stories and genius tips, and how I feel so special when you call me "Ate".

Rest now my beloved Uncle Tito Niel, you will always be in our hearts




Saturday, January 23, 2010

Shorty



Got this haircut in December :) Nakakatuwa si Kenshin, sobrang tinitigan nya ako nung una nya kong makita sa bagong gupit ko. :)

(and oh for some reason, I like it when my Rey calls me shorty hahahahaaha)
Posted by Picasa

OL


Office Lady

Ito ang rason kung bakit inagiw ng husto ang blog ko. Soooooooobrang busy! :)

Katas ng L.A.


Ang blow-out ko sa kaunaunahan kong suweldo sa Amerika. Sisig, Pansit at Crispy Pata. Solb.

Long Distance Love... Again
















I am not the only one missing you this much.
Love na love ka ni Kenshin!
See you soon, my love:)

My 26th Birthday


Thank you Tin & Pau, Mards & Kath, KC Marie, and Mommy & Daddy for the wonderful surprise!

Touched ako... At naisip ko, pang-apat na beses na akong pinagsusurprise party sa buong buhay ko :) Nakakataba ng puso kase narealize ko na special pala ko :) Thank you!