Getting myself a makeover tops my things-to-do-post-pregnancy list. I finally did it yesterday! Ang saya :D
Asiwang-asiwa na ako sa buhok kong kalahating brown at kalahating black. Bat nga ba di ko ginawan ng paraan noon ito? Kase BAWAL. Pag buntis ka ang daming bawal, at isa na doon, unfortunately, ay ang magkulay ng buhok. Nanggigigil na din ako sa style ng buhok ko... mahaba, makapal, at hindi talaga kaaya-ayang tignan kapag nilugay. College palang palagi ng nakapusod ang buhok ko eh. Tama na, sobra na, palitan na! -- ito protesta ng aking kalooban ahaha ang lalim nun ah. Anyway, eto, before and after:

Sarap ng feeling after :D Kailangan pala talaga every once in a while pinapamper natin ang ating mga sarili. :D hehe Dati kase iniisip ko, kaartehan lang yang pamper pamper na yan. Ngayon ko lang talaga napatunayan na mali ako.
Saya, feeling ko unti-unti ko ng naibabalik ang dati kong sarili. Hopefully makapagpost na din ako ng before and after picture ng weightloss naman :D Wish me luck, ang dami kong kelangang tunawing taba! ehehehehe