Saturday, November 21, 2009

Thursday, November 19, 2009

Friday, November 13, 2009

Banker

Sabi nga ng friend ko...

'Congratulations, Banker ka na!' hehe. Salamat!

Tulad ng nabanggit ko nung nakaraan, nainterview ako sa PNB dito sa L.A.. Heto nga't mag-iisang buwan na akong nagttrabaho doon. Akalain nyong tinanggap ako? hehehehe Iba talaga pag ang gamit mong wika ay ang syang kinalakihan mo. Kung english ang tanong, tagalog ang sagot ko. Bakit? Nakakaintindi naman sila ng tagalog e bat ko pa pahihirapan ang sarili ko? :) Saka nako noh, halos 5 taon akong nagtrabaho sa Japan na English ang salita, ubos na ang English ko! haha. Mas mataas pala talaga ang level ng convincing powers at confidence ko pag nagtatagalog lang ako. :)

Isa nanamang workplace na puro kalalakihan ang ininvade ko. Naniniwala akong kayang-kaya kong patunayan ang sarili ko. Kaya kong mag-standout hindi dahil babae ako kundi dahil sa kakayahan ko. :)

Hindi man maipagmamalaki ang sahod ko, busog naman ako sa mga bagong kaalaman. Una, nahahasa ang akala ko'y tuluyan nang mangangalawang kong programming skills. Ang saya! Love ko talaga ang programming. Tingin nga sakin ng boss ko eh "NERD" dahil nagugulat siya sa extent ng technical terminologies na alam ko, at bihira daw ang babaeng may interes sa programming. Pangalawa, todo-todo ang pag gamit ko ng MS Excel. Sarap mag Excel diba? o ako lang un? Enjoy talaga. Hindi ako nauubusan ng ginagawa. Ni hindi nga ako makatakas ng facebook eh. Siyempre lahat ng may sarap ay may catch at ito un: mental stress. Nakakaprito ng utak!!! hahahaha Palibhasa ang tagal kong nabakante, nasasabak ng maigi ang utak ko.

Ang swerte swerte ko. Napakabait sa akin ng panginoon. May ikukwento pa ako eh. Sa susunod nalang, mahaba-haba din kase. Basta sa kwentong yon, maiisip nyo din na, oo nga, ang galing. :)

itutuloy...


Longer is Better

Sa buhay, kung wala kang pasensya, mapapahamak ka lang.

Habang tumatanda, napansin kong mas dumadali akong mainis. Or baka naman kasabay ng pagtanda ko ay ang pagdami ng mga bagay na kainis-inis? Pwede. Ang tao daw, pag galit, hindi alam ang sinasabi. Sa tingin ko pag naiinis ka palang, hindi pa galit, kaya pang kontrolin ang mga salita. Ito ang kailangan kong matutunan. Gagawin ko talaga. Dahil kung hahayaan kong magderederetso lang ang andar ng pagsasalita ko... patay na... gulo ito.

Patience is a virtue, so they say. The longer it is, the better.


Monday, November 9, 2009

May Namimiss

I miss my mama. Badly... terribly.

Just the other night I was watching a movie with my friends. I got teary eyed in one part where the mother hugs the child, not because of what was going on with the story, but because I remembered the last night of my stay in Japan. Mama hugged me like she never did before.

Sorry, drama. I just miss her. I can't wait to see and be with my family in Japan again. :)