Friday, February 29, 2008

Almost There... (warning: TMI)

Nararamdaman kong malapit na.

(do not continue reading if you're not interested in "bloody" details hehehe)

  • Feb 28 - 11oo : * went to the hospital for my 39th week checkup -- baby's heart rate is OK : 130 bpm -- had internal exam, found out that the baby is sitting low in my pelvis and that i'm already 4 cm dilated -- had my membranes stripped/swept (basically what this procedure's objective is to produce hormones that will trigger contractions, thus making labor progress faster) -- was advised to go walking and do squats (taking advantage of gravity to pull the baby down) -- after leaving the hospital I noticed na madalas ng magkaroon ng parang cramps yung puson ko, although nawala din after kong magpahinga sandali.
  • Feb 28: rest of the day/night : *did what i was advised to do... plus naglinis, nagprepare para sa 2nd month celebration ng bday ni Sakura-chan =), cleanup after that =) -- after ng celebration eh naligo ako dahil akala ko nagsstart na ko maglabor at baka di ko na magawa ito pag sobrang sakit na... bigla kaseng parang nagcramps yung kanang bahagi ng tiyan ko. To my disappointment, false alarm pala. =( -- nakatulog na ko't lahat hindi parin regular yung contractions.
  • Feb 29: *keeping my fingers crossed na hindi ngayon ang maging birthday ng anak ko. -- still no regular contractions.
  • Feb 29 1700: *lost my mucous plug (it's something na nakaharang sa passageway ng baby, think cork to a wine bottle. kadiri. you don't wanna know kung anong itsura nito. hehe) sign ito na malapit na talaga.
to be continued...

Saturday, February 23, 2008

Last Minute Baby Shower


Just got home from a surprise baby shower thrown for us by Rey's workmates. =) We had no clue AT ALL that they were going to do this today. Ang sabi sa amin eh going away potluck party daw ng isa nilang katrabaho... pero pagpasok namin ng pinto, niyakap kami ng maybahay sabay sabing " WELCOME TO YOUR BABY SHOWER!!! " Wow. Mabuti nalang at hindi ako naiyak (ang tagal kase bago nag-sink in sakin na para nga samin talaga yung potluck na yun hehe =) )

After ng kainan eh nag-games. Ang saya! May hulaan kung gaano kahabang toilet paper ang sukat ng tiyan ko. WALANGHIYA si REY, sobrang haba ba naman ng hula. tsk tsk, sama. Tapos meron ding word game, padamihan ng mauunscramble na words tungkol sa baby. AKO ang nanalo dun hahahaha di ko akalaing isa ito sa magiging pakinabang ng pagbabasa ko tungkol sa baby. After non paramihan naman ng makukuhang safety pins na nakalunod sa bigas. Kulelat kami ni Rey pareho dito. At yung last na game naman eh nakablind fold tas huhulaan yung mga laman ng paperbag na puro gamit ng bata. Again, kulelat kami dito. hehe. After ng games eh binuksan namin yung mga regalo, grabe mga galante pala mga kano pag ganitong okasyon hehe. =)

Nakakatouch... love pala kami talaga ng mga katrabaho ni Rey. =) Ni isang saglit, hindi namin naramdaman na kaplastikan tong ginawa nilang ito. Lahat enjoy na enjoy sa party at excited sa pagdating ng "baby Sedantes" =)

**more pictures on my multiply account =)

Wednesday, February 20, 2008

38 Weeks - Belly Picture

Went to the doctor yesterday for my routine check-up. Kinabahan ako, akala ko paaanakin ako ng hindi oras! My HCP was concerned that the baby's heart rate is lower than usual so she had me do a fetal non-stress test. Sa test na ito, may kinabit na dalawang device sa tiyan ko. Isa para mamonitor ang heart beat ni baby at yung isa naman eh para mamonitor ang contractions ng bahay bata. Yung device na iyon eh nakakabit sa isang box kung saan may lumalabas na papel. Para bang yung papel na lumalabas lie detector. 20 mins akong nakaupo sa isang malaking arm chair nung ginagawa yung test na iyon. Sabi sakin, kung hindi daw tataas yung heart rate ni baby, i-iinduce or pipilitin na nilang paanakin ako dahil baka nahihirapan na si baby sa loob ko. Salamat naman sa Diyos at bumalik sa normal yung heart rate after nilang gising gisingin yung baby kaya heto, nandito parin ako sa bahay, nag-iintay na mag-umpisa akong maglabor. Worried parin ako somehow dahil nagtataka ako bakit bumaba nga yung heart rate. Sabi naman eh baka daw natutulog lang si baby nung unang chineck ako kahapon. As long as maka-sampung galaw daw siya within one hour pag active time ni baby sa isang araw, everything should be fine.

So, any signs of early labor? Kahapon biglang sumakit yung kanang part ng tiyan ko. Pero pagkatapos kong maglakad lakad eh nawala din. False labor lang daw yun sabi sa mga nabasa ko. =) Hay, 12 days nalang. Ganito pala pag malapit na... hindi na ko mapakali sa excitement!

Sunday, February 17, 2008

Dumating Na

Nandito na ang car seat at stroller na iniintay naming dumating =) Kampante na ako, handang handa na talaga akong manganak!

** Thank you so much mommy, daddy, and tintin! =)

Wednesday, February 13, 2008

37 Weeks - I'm So Ready!

Ano tong mga to?
*yung papel = birth plan. Nakasaad ang mga wishes ko dito sa panganganak. Halimbawa, gusto ko bang patulian agad si baby o hindi muna? Payag ba ko na may mga studyanteng mag-oobserba sa panganganak ko? mga ganon.
*malaking bag = labor bag. Lahat ng kelangan ko anjan na. Ultimo papeles na pangrehistro kay baby, kasama na.
*mah
abang mejas na may laman = rice sock. Daming ka-ekekan. Magagamit ko daw itong pang-bawas ng sakit pag naglalabor na ko. Pwede ring gamiting panghampas sa asawa pag sobrang sakit na. hehehe joke lang. =)
*all the rest ay obvious naman kung ano. =)

Nalabhan ko na lahat ng damit ni baby, nalinis ko na yung crib, naayos ko na yung cabinet nya, nakahanda na talaga lahat.

GUSTO KO NG MANGANAK!!!

Thursday, February 7, 2008

My Idol Singing Her Idol's Songs

I super love this video. I've probably seen it more than 10 times at hindi parin ako nagsasawa. =)

Sunday, February 3, 2008

36 weeks

Pwede na akong manganak anytime. Huwag nga lang this week kase di pa ako magli-leave hanggang Feb 10. At, tulad ng kwento ko kanina, hindi pa dumadating yung car seat. hehe.

Kahapon, umattend kami ni Rey ng isang "prepared childbirth" class. Ang tagaaaaaaaaaaal, 7 hours ba naman. Very informative, sa tingin ko sapat lang talaga yung oras na iyon. Mabuti ng magsakripisyo ng ganon katagal kaysa mangapa ako sa dilim pag manganganak na ko. Not bad talaga considering na libre 'to =) Pagkatapos ng klase eh itinour kami sa delivery room pati sa mga kwarto na tutuluyan namin. Dalawahan sa isang room pero kung suswertehin at kakaunti ang manganganak na kasabay ko, pwede kong solohin.

Sana matandaan ko lahat ng tinuro sa klase na iyon para hindi ako gaanong mahirapan sa panganganak. Kung di ko man matandaan alam kong hinding hindi ako pababayaan ni Rey pag dumating na yung oras na yon. Salamat mahal =) At salamat sa lahat ng taong sumusuporta sa akin sa pagbubuntis ko =)

Baby Stuff




Four more weeks 'til we see our little one =) Not done with the shopping though. I'm running out of time! I could have started early but I wanted to wait for Rey to come back so we could do it together. It was definitely worth the wait, magandang bonding activity kase pala talaga 'to. Ang saya kase habang padami ng padami yung nabibili namin, mas lalo kaming naeexcite sa pagdating ni baby.


Nakakataranta...feeling ko ang dami ko pang nalilimutan kahit na may comprehensive na listahan ako. Kumpleto na naman na halos, ang malaking problema ko lang ngayon eh kung darating yung car seat na inorder namin online on time. Hindi kase kami i-didischarge sa ospital ng walang ganon. Sana umabot naman. =)


Naihanda na namin yung isang room namin para kay baby. Superman ang main theme. Pero gusto namin haluan ng spiderman, super mario, xmen, at kung anu-ano pa na walang halong kabadingan. hehe, gulo noh? Sobrang swerte namin at nakahanap kami ng playpen na katerno. Hirap kaya maghanap dito, kung hindi plain na kahoy eh panay light colored ang available. Di ba exagg naman na sobrang swerte? Hindi, kase nakuha namin siya ng half price. Ayus!


Ano pa bang kwento? Ala na eh, hanggang dito nalang muna. I'll post more pictures soon =)