Ano tong mga to?
*yung papel = birth plan. Nakasaad ang mga wishes ko dito sa panganganak. Halimbawa, gusto ko bang patulian agad si baby o hindi muna? Payag ba ko na may mga studyanteng mag-oobserba sa panganganak ko? mga ganon.
*malaking bag = labor bag. Lahat ng kelangan ko anjan na. Ultimo papeles na pangrehistro kay baby, kasama na.
*mahabang mejas na may laman = rice sock. Daming ka-ekekan. Magagamit ko daw itong pang-bawas ng sakit pag naglalabor na ko. Pwede ring gamiting panghampas sa asawa pag sobrang sakit na. hehehe joke lang. =)
*all the rest ay obvious naman kung ano. =)
Nalabhan ko na lahat ng damit ni baby, nalinis ko na yung crib, naayos ko na yung cabinet nya, nakahanda na talaga lahat.
GUSTO KO NG MANGANAK!!!

No comments:
Post a Comment