Saturday, July 18, 2009

The Sign

"Sutter VNA and Hospice has received your application. At this time we want to inform you that the position has been filled or is no longer available."

I am so getting used to this. Rejection after rejection after rejection.

I am so sure this is not the last one. One thing I'm sure though about this last one I got is that THIS IS THE SIGN that I ASKED FOR.

Tutuloy ba ako? GO GO GO na ito.

Tambay



Anong petsa na? Mid-July na at ako ay jobless pa rin.

In fairness, masaya. Bakit?
  • Araw-araw, oras-oras kong kasama si Kenshin. Naaalagaan ko siyang mabuti.
  • Nawiwitness ko ang paglaki at ang mga developments ni Kenshin. Nakakaaliw!
  • Nakakapanood ako ng gusto kong panoorin kahit anong oras ko gusto
  • May time akong magluto palagi. Ang sarap sarap ng feeling ng nagluluto ka tapos naaappreciate palagi yung gawa mo.
  • Mas nahaharap ko ang mga gawaing bahay.
  • Nakapag-establish ako ng routine :) Hindi katulad dati na palaging "bahala na" ang diskarte ko sa mga gawaing bahay atbp.
  • Madami akong oras magmuni-muni. Ang daming mga "ganon pala yun", "totoo pala yun", "talaga palang ganon" ang dumarating sa akin.
  • Ang dami kong oras para sa sarili ko. Nakakapagworkout ako, nakakaligo ako ng kahit ilang beses ko gusto, nakakapagpaganda ako. (hehe)
  • Dahil nasa bahay lang ako, hindi magastos. Dati-rati nung tumatabo pa ako ng pera (hahaha talagang tabo ang term eh noh?), hala sige lang ang lakwatsa. Siyempre pag naglakwatsa, may mga makikitang bagay na magugustuhan. At dahil madali lang ang pera, bili lang ng bili. Ngayon talaga kahit lumalabas kami, nahihiya akong gumastos. Hindi kase ako sanay na wala akong nai-aabot manlang na panggastos. Pero si Rey, wala akong masabi, sobrang bait niya, hindi siya mahigpit sa pera. Minsan tinatakot pa niya ako "pag hindi ka gumastos, magagalit ako sayo." hehe. This is the life :)
  • Nahahasa ang management skills ko - Home Management, pati ANGER Management hahaha
  • Higit sa lahat, mas naaappreciate ko ang mga maliliit na bagay na meron ako sa buhay ko. :)

Monday, July 6, 2009

Shaping My Future

Oras na para simulan ang pagtupad ng isang pangarap.

Saturday, July 4, 2009

25th


Happy Anniversary Mama & Papa!
I love you both so soooo much.

Happy Day

  • I passed the behind-the-wheel driving test today - with zero mistakes! :) I realized that I can still be an achiever. :)
  • I got to talk with my dear mama :)
  • Tried IHOP for the first time - it was not bad at all!
  • Pizza + Beer + Videoke = fun

Wednesday, July 1, 2009