Nagpapapayat ka rin ba katulad ko?
I agree 100% that it's not easy. There would be times na feeling mo wala ka na talagang pag-asa.
Pero tignan nyo itong mga taong to:
http://www.sparkpeople.com/mypage_motivate.asp
o diba? galing! Ito ang puntahan ko pag pinanghihinaan ako ng loob.
Alam kong gasgas na ito pero sasabihin ko parin: Kung kaya nila, kaya mo rin!
Sunday, May 25, 2008
Thursday, May 22, 2008
Nice One.
Bata palang ako, palagi na akong pinupuri sa pagiging mabait ko. Tawag nga sa akin ng isa kong auntie, "Mother Akiko", parang Mother Theresa ba. Hanggang nung college, naaalala ko may isa akong kaibigan na nagsabi "aki, isa ka sa pinakamabait na taong nakilala ko," Pagdating sa trabaho, nasasabihan din ako ng "you're too nice"
All those years feeling ko asset ko ang pagiging mabait ko. Pero ngayon? hindi na. Para kaseng iyon pa ang dahilan kung bakit ako nahihirapan sa mga bagay bagay. I try too hard to please everyone when I know in reality that I cannot do that. At sa pagiging 'trying hard' kong iyon sa kasalukuyan, may nakakaappreciate ba? ewan.
Parang may galit ako sa mundo ngayon noh? hehe. Di naman. Masama lang loob.
Maglilie low muna ako. Sa mga makakamiss sa dating ako, sorry nalang...
I can't be the same person anymore.
*note to self: nice one!

Friday, May 9, 2008
New Addiction

Love love love this Coffee Jelly with cream on top! Kuntento na ako kahit ito lang ang kainin ko bilang agahan, tanghalian, o hapunan.
Sana noon ko pa to nadiskubre para hindi ako nag-aksaya ng sangkatutak na pera sa Starbucks for my almost daily coffee fix. (yup, kaya ako tumaba last year bago ako magbuntis hehe)
Subscribe to:
Posts (Atom)