Thursday, May 22, 2008

Nice One.

Bata palang ako, palagi na akong pinupuri sa pagiging mabait ko. Tawag nga sa akin ng isa kong auntie, "Mother Akiko", parang Mother Theresa ba. Hanggang nung college, naaalala ko may isa akong kaibigan na nagsabi "aki, isa ka sa pinakamabait na taong nakilala ko," Pagdating sa trabaho, nasasabihan din ako ng "you're too nice"

All those years feeling ko asset ko ang pagiging mabait ko. Pero ngayon? hindi na. Para kaseng iyon pa ang dahilan kung bakit ako nahihirapan sa mga bagay bagay. I try too hard to please everyone when I know in reality that I cannot do that. At sa pagiging 'trying hard' kong iyon sa kasalukuyan, may nakakaappreciate ba? ewan.

Parang may galit ako sa mundo ngayon noh? hehe. Di naman. Masama lang loob.

Maglilie low muna ako. Sa mga makakamiss sa dating ako, sorry nalang...

I can't be the same person anymore.

*note to self: nice one!

No comments: