Pwede na akong manganak anytime. Huwag nga lang this week kase di pa ako magli-leave hanggang Feb 10. At, tulad ng kwento ko kanina, hindi pa dumadating yung car seat. hehe.
Kahapon, umattend kami ni Rey ng isang "prepared childbirth" class. Ang tagaaaaaaaaaaal, 7 hours ba naman. Very informative, sa tingin ko sapat lang talaga yung oras na iyon. Mabuti ng magsakripisyo ng ganon katagal kaysa mangapa ako sa dilim pag manganganak na ko. Not bad talaga considering na libre 'to =) Pagkatapos ng klase eh itinour kami sa delivery room pati sa mga kwarto na tutuluyan namin. Dalawahan sa isang room pero kung suswertehin at kakaunti ang manganganak na kasabay ko, pwede kong solohin.
Sana matandaan ko lahat ng tinuro sa klase na iyon para hindi ako gaanong mahirapan sa panganganak. Kung di ko man matandaan alam kong hinding hindi ako pababayaan ni Rey pag dumating na yung oras na yon. Salamat mahal =) At salamat sa lahat ng taong sumusuporta sa akin sa pagbubuntis ko =)
No comments:
Post a Comment