Diba maaawa ka sa sarili mo? (o ako lang yun?)
I'm trying to come up with interesting things to do during my free time aside from my current hobby of putting on make-up at home to feel glamorous... and singing in front of my webcam. Ang VAIN! Pag nakaipon ako ng lakas ng loob, magpopost ako dito ng isang song number para sa aking mga friends lalo na kay Jolee na miss na daw ang boses ko. Pagbigyan nyo na ang pagiging feelingera ko. Minsan lang 'to.
- Gusto ko mag-cross stitch. Pangarap kong gawin to:
- Gusto kong magstart ng isang collection. Super fulfilling siguro kung ganitong klase ang gagawin ko: http://www.specktra.net/showthread.php?t=72932 , Diba?
- Gusto kong maadik sa kahit anong sports kahit na hindi ako athletic type. Feel ko ata ang table tennis. Kailangan ko lang maghanap ng kalaro at lugar na paglalaruan.
- Gusto ko din sanang maging expert sa pagbabake kaya lang... event with probability = 1 na magiging super big ako. So pag-iisipan ko pa itong maigi.
Ok na siguro itong list na ito sa ngayon. Babalitaan ko kayo kung ano na ang nagagawa ko sa mga ito! Wish me luck! hehehe.
No comments:
Post a Comment