Tuesday, October 23, 2007

Week 20

Stressful ang week na ito para sa akin. Tsk tsk. Kawawa naman ang anak ko...

Pero nagmana si baby kay daddy niya. Matapang. Tuloy parin ang paglikot niya sa loob ng sinapupunan ko, masiglang masigla. :D

Nakakakalahati na ako! Konting hintay nalang, makikilala na nating lahat ang baby ni mommy aki at daddy rey. Nalalakihan na ko sa tiyan ko, although madami paring nagsasabi na hindi pa daw malaki. Sabi ng mga amerikanang katrabaho ni mama, "you're so tiny", HUWAT? Tiny pa ba ako sa lagay na ito eh 10 lbs na ang ginain ko mula nung magbuntis ako?!! Di kaya sa boobs sila nakatingin kaya tiny tiny ang tingin nila? ehehe

Ano bang mga nararamdaman ko?

Nag-uumpisa ng sumakit ang likod ko. Pwedeng dahil to sa Scoliosis kong umaatake dahil lumalamig na ang simoy ng hangin dito. Pero mas malamang eh dahil ito sa lumalaki kong ngang tiyan. Biruin niyo, in 3 weeks, kasing laki na daw ng basketball ang tirahan ni baby?! ayus. Normal lang talagang mastrain ang likod ko kung ganon.

Napapalakas din ata ang pagkain ko lately. Patay tayo jan. Ang masama pa nito eh parang bumabalik ang fatigue. Kaya wag kayong magugulat kung sa susunod kong ipopost na litrato eh lumobo na ako ng todo. :D

Siyempre ang pinakamasayang part parin ng linggong ito ay yung patuloy na paggalaw ni baby. Habang tumatagal, mas lumalakas at dumadalas. Nakakatuwa one time nagbabysit kami ni mama sa bahay nila. Habang kinakantahan ko yung alaga niya ng "twinkle twinkle" (eto nga ba talaga title nun? o basta alam nyo na yun), aba naexcite itong si baby, galaw ng galaw! pag tumitigil ako ng kanta, tigil din siya sa pag galaw. ang saya, may favorite song na si baby! :D kakatuwa.

O siya, sa Thursday nalang uli. Babae kaya o lalake? hihi

No comments: