
'Di ko akalaing ganito na pala kalaki ang tiyan ko. No wonder hirap na hirap na kong humanap ng komportableng pwesto pag natutulog. Hirap na din akong magkikikilos. 5 minutes na pagwawalis lang, talagang naitulog ko na at lahat, masakit parin ang likod ko. Maski ang simpleng pag-upo ng ilang oras sa opisina e malaking task na din sa katawan ko ngayon. Bukod sa mga ito eh isa nalang ang marereklamo ko... ang napakadalas na pagpunta ko sa cr para jumingle, lalo na pag active na active si baby. :D AY! meron pa pala kong isang hinaing... CRAMPS sa legs. Napapamura ko sa sakit eh. langya.
Dumating na nga pala ang asawa ko! yeyy! after 4 long and lonely months. Salamat sa Diyos at nandito na siya. Nakakatuwa ang anak namin, nung first few hours na kasama na namin si Rey, talagang ayaw magparamdam... nahihiya! Kahit anong kalog ang gawin ko sa tiyan ko, hindi nagrereact eh. Mana ata sakin to, mahiyain. Pero kinagabihan, ok na, lagi na siyang nakikipaglaro sa daddy niya. :D Saya saya :D
No comments:
Post a Comment