Friday, April 10, 2009

Nakabitin sa Ere

Nawiweirdohan ako sa buhay ko ngayon. Masaya na malungkot. Excited ako pero bored din. Ano ba ito!

Nakabitin kase kami sa ere. Sabi sa amin, aalis na kami ng Japan sa 1st week ng May. May flight details na nga enebretheng. The thing is, may hinihintay kaming ang tagaaaaaaaaaaaaal dumating. Kung bakit ba naman short notice lahat. Habang wala yung hinihintay naming yun, wala kaming maumpisahan tungkol sa pag-alis namin. Ok lang magmukha akong atat kakatanong tungkol doon. Gusto ko nang magplano pero hindi ko magawa. Ang dami dami kong kailangang gawin pagkatanggap noon at mukhang kakapusin kami sa oras. Alam naman nating lahat na mas kaunti ang oras, mas stressful. Good luck nalang sa amin.

Naiinis na ko minsan. Noong isang linggo naisip ko na wala namang mangyayari kung patuloy akong maiinis. So magmula noon, ganito na ang tingin ko sa sitwasyon naming ito: Blessing in disguise na din siguro kase nakakasama ko ng mas madalas ang pamilya ko dito. Nakakailang beses na din kaming nakakapag-gala ah, ang saya :) Para tuloy ayoko ng dumating yung araw na aalis kami. Hay. Nalulungkot tuloy ako.

Excited din naman ako. In fact, isa sa mga top worries ko nitong mga nakaraang araw ay kung anong pagsususuotin ko sa US of A haha! Siyempre photo op galore ang mangyayari niyan sa pagpasyal-pasyal namin :) Kailangan hindi nakakahiya ang mga suot. hehe. Ito din ang dahilan kaya ako nacoconscious sa figure ko. HAHA Ang dami kong kaartehan. :) Yan ang mga mabababaw kong pinoproblema ngayon.

May mga malalalim at may saysay din naman, tulad ng pagharap ko for the first time in my life sa aking in-laws :) hihi. Mabait sila sobra pero kinakabahan ako kahit na hindi naman dapat hehehe. Normal lang naman sigurong kabahan at mahiya diba? hihi :)

Isa pang malalim na intindihin eh kung makakahanap ba ako ng magandang trabaho doon. Sana sana sana. :)

Sarap ng walang pressure at stress sa buhay kaya I'm making the most out of it :) Nafifeel kong ilang araw nalang ang pagkabitin namin sa ere. Hanggang sa muli! :)







No comments: