December 27, 2010
5 minutong warm up...
25 minutong dere-deretsong takbo...
sa pangalawang minuto ng dapat ay limang minutong cool down, huminto ako dahil hindi na ako makahinga ng maayos.
Dali-dali akong naghanap ng upuan at nagpahinga. Matapos ang 5 minuto, tumayo ako para linisin ang pinagtakbuhan ko... BAD IDEA.
Nanghina ako at unti-unting nawalan ng kulay ang paligid. Nakahanap ako ng upuan, naupo ako at doon tuluyan nang dumilim ang paningin ko. Pumikit ako habang namamanhid ang dalawa kong kamay. Gumagana pa ang isip ko! Natatandaan ko pa ang sinabi ko sa sarili ko: "Huwag kang susuko, kawawa ang mga maiiwan mo." Akala ko mamamatay na ako.
Lumipas ang ilang sandali, unti-unti nang nagkaroon ng pakiramdam uli ang mga kamay ko. Dumilat ako at unti-unti na ding bumalik sa normal ang paningin ko. Ok na ako.
Nakakatakot. Hindi ko na pipilitin uli ang katawan ko. Hindi na din ako nagpapalipas ng gutom. Kailangan ko na talagang alagaan ng mabuti ang sarili ko para sa mga mahal ko sa buhay.
:|
No comments:
Post a Comment