Friday, December 2, 2011

Birthday Post

28 na ako. Parang kailan lang, nag-18 ako na may debut-debuhan party pa. 10 years na yun??? 

:) Sobrang saya, pinayagan ako ng boss ko na mag-leave for my birthday. I feel lucky to have such an easy going boss. Lucky lucky me. 



 I received this post card from Starbucks. YEYY! :) So ginamit ko agad. Nagdrive-thru kami sa aming favorite Starbucks on the way sa aming favorite mall. Hanggang ngayon, mahilig parin kami ni Rey mag-kape habang nasa daan. :) Kape at cookies tapos road trip with Kenshin and Rey ang perfect na simula ng birthday ko.

Hinatid ako ni Rey sa isang shopping complex. Mukhang nagbalak bumili ng regalo habang hindi kami magkasama. Sa wakas nasimulan ko na ang Christmas shopping ko. Favorite ko na ang Nordstrom Rack. May nakita akong relo na sobrang gusto ko para sa akin kaso, nanghinayang ko. Next time nalang. Hay palagi akong ganon. Si Mrs. Next Time Nalang tapos magsisisi pag-uwi dahil hindi pa binili yung gusto. Kelan ba ako matututong i-spoil ang sarili ko kahit paminsan-minsan lang?







Naglunch kami sa PF Chang's. 1st time namin doon and for sure, last time na. Ok lang yung lasa. Parang ang binayaran lang namin ay yung ambiance. Mabuti pa doon sa Chinese resto malapit sa bahay namin, kahit pipitsugin ang interior, lamang na lamang ang lasa. Haha ano ba yan puro reklamo.



Hay ang Kenshin ko. Ang daldal daldal na. Malayong malayo sa dating mahiyain at tatahitahimik na little boy. Ngayon bawat daan nung waiter, nagha-Hi siya at thank you. hehe. Natutuwa ako at natututo siya ng tagalog samin ni Rey. Nagsasabi na yan ng "dito ka", saka "ayun!", tapos marunong magbilang mula isa hanggang sampu. Alam din niya ang 1-10 na Japanese at 1-20 ng Spanish. Grabe. Ang laki na ng anak ko. Para sa akin siya parin ang the best na regalong natanggap ko sa buong buhay ko. :)

After ng lunch, nag-mall kami. Puro tingin tingin lang tapos sinubukan ko magpa-makeup sa MAC. Iba pala talaga ang dating pag may concealer at totoong foundation. Feeling ko ang ganda ko after. hehehe. Walang kokontra, birthday ko! Bago kami umuwi, dumaan ako ng simbahan para magpasalamat sa napakarami kong blessings na natanggap noong 27 pa ko.  :)

Ang funny ni Rey. Gusto ba naman akong dalhin sa LV at bibilhan daw niya ako ng bag. Parang sugar daddy ang dating. Ayoko. Di para sa akin ang mga bagay na ganon sa ngayon. Sabi ko sa sarili ko, magiging entitled lang ako sa ganoon kapag nakakuha ako ng trabaho na soooooooobrang laki ng sweldo. Matagal pa siguro yun. Depende sa plano para sa akin ng nasa itaas. :)

Sabi ko naman sa kanya, hindi ko kailangan ng regalo. Basta't magkakasama kaming pamilya, masaya na ako. Kumpleto na ang birthday ko.

Pag-uwi namin ng bahay, nag-kape at birthday cake kami. :) Marami-rami din akong natanggap na bati sa facebook, text, tawag, at mail. Nakakatouch pag madaming nakakaalala. Pinakanatouch ako sa minail na regalo at card sa akin ng Auntie ko from Cincinnati, at sa regalong bigay ng isa kong kaibigan.

28 na ko! Ang dami kong gustong gawin habang bata pa. One of these days, magsusulat ako tungkol jan. :)

Hanggang dito nalang muna.

No comments: