Thursday, March 13, 2008

I Was Right

Finally found time to blog... super hectic maging mom, promise. =D

Tuloy natin ang istorya.

  • mar 1: halos buong araw kaming nasa labas ni rey, pasyal pasyal para "matagtag", pag-uwi namin ng bahay, hay, wala parin. ang sarap ng tulog ko nun... hehe wala akong kaalam-alam na yun na pala ang huli kong masarap na tulog. siguro meron pa naman akong pagkakataon pero tanggap ko na na matagaaaaaal pa bago mangyari uli.
  • mar 2 : 11:00 -- bago pa ako magising, alam ko ng sumasakit na yung tiyan ko. hindi ko lang pinapansin dahil masarap matulog. hehe. pagbangon ko, sabi ko sa sarili ko... this is it. hindi na false alarm ito, iba na yung sakit eh. parang menstrual cramps pero mas matindi. inorasan muna namin yung contractions at within 30 mins, 3-6 mins na ang pag-itan. this is it na talaga. niyaya ko na si rey sa ospital... tuwang tuwa naman ang loko. yes ng yes sabay happy dance. hehe.
  • mar 2 : 12:00 -- dumating kami sa labor & delivery dept ng ospital. ni-strap ako sa bed at minonitor ang contractions sabay internal exam. 4 cm parin daw ako although yung contractions indicate na malapit na talaga akong manganak. dahil walang pagbabago sa cm, pinauwi kami at pinayuhang mag-lakad lakad at bumalik ng alas-tres.
  • mar 2: 1:00-3:00 -- balak sana namin mamasyal kung saan saan pero isang lugar lang ang napuntahan namin. habang nandoon kami eh nakalakad pa naman ako pero pag may contraction eh hindi ko kinakaya, napapatigil ako. umuwi nalang kami. sa bahay, pinagbawalan ako ni rey na umupo. lakad lang ako ng lakad at squat ng squat. walanghiya nung malapit ng mag-alas tres eh napapapikit na ako sa sakit. hindi na ako makapagsalita.
  • mar 2: 3:30 -- balik sa ospital. ok ang heart rate ni baby, regular ang contractions at yahoo! 8 cm na daw ako. sabi ng nurse, "congratulations, we're ready for the baby." Inadmit na ako. Dinala kami sa delivery room. Tinawagan na yung doctor ko. Sa puntong ito eh nakakapag-tawanan pa kami ni rey. =D Pero habang tumatagal... mas lalong lumalala yung sakit ng contractions... kaya pagdating ng alas singko, wala na. iba na yung mood ko. sino ba namang hindi iinit ang ulo kung namimilipit ka na sa sakit?
  • mar 2: 5:00 -- Sobrang sungit ko na. Ang dami kong mga nasasabi na kasamaan na alam kong magiging katatawanan nalang pagkatapos kong manganak. Salamat sa Diyos at dumating na yung anesthesiologist para saksakan na ng pampamanhid yung likod ko. After 45 minutes ng pageexplain ng risks at pagpasak ng catheter sa aking spine, FINALLY!!! some relief. Galing ng nakaimbento ng epidural. Talagang nawala yung sakit ng contractions. I was back to my normal self, nakakausap na uli ako at nakakangiti.
  • mar 2: 7:00 -- Hindi parin pumuputok ang panubigan ko kaya inoffer ng doctor na i-rupture artificially nalang. Pumayag na ko para madali ng matapos.
  • mar 2: 8:15 -- Everything's set. Hinanda na yung table na pagpapatungan ni baby at nakalabas na lahat ng paraphernaliang kailangan sa delivery. Pinwesto na sa ayos yung hinihigaan ko. Pinosisyon na ako. Kahit manhid yung balakang ko pababa, may nararamdaman na akong tumutulak sa birth canal.
  • mar 2 : 8:30 -- IRE! hehe. Tatlong ire na tig-teten seconds bawat contraction. Nakaka-limang set na, wala paring progress at parang pagod na ako. Salamat sa motivation na binigay ni Rey, after mga tatlong set pa, lumabas na si baby! =D
  • mar 2: 9:15 -- Nilagay agad sa ibabaw ko si baby paglabas niya. Hay sobrang sarap ng feeling. Hindi maipaliwanag. Muntik akong mapahagulgol sa tuwa pero napigilan ko =D Ito ang pinakamasayang araw sa buhay naming mag-asawa... naiiyak parin ako everytime naaalala ko yung moment na yon...
Laking pasasalamat ko sa Diyos at naging normal at maayos ang lahat sa panganganak ko. Mabuti nalang at kasama ko ang asawa ko buong time.

Rey, I wouldn't have done it without you, salamat and sorry kung nasungitan kita ehehehehe.

Nagpapasalamat din ako dahil hindi ako pinababayaan ng pamilya ko dito, lalo na ni mama.

Sa mga kaibigan ko na hindi nakakalimot, salamat sa suporta ninyo sa pagbubuntis ko! =D

Ok tama na drama. NANAY na ako! Can you believe it?

No comments: