Took this picture today at my parking space. Lucky for me I don't have to drive all the way to Northern Okinawa just to witness this season's must-see, the Sakura. It is so beautiful. Absolutely beautiful.
At siyempre naubusan ako ng English. So here goes the rest of my entry in Tagalog.
Dalawang taon na akong doon nagpapark. Ang pinagkakatakahan ko ay bakit ngayon ko lang napansin ito? Bagong lagay kaya ito? imposible dahil matured na yung puno eh. Malamang lang wala akong pakialam dati kaya hindi ko napansin. Tsk tsk. Sayang. Shame on me.
Ganoon ata talaga. Kapag alam mong mawawala na ang isang bagay, saka mo lang ito bibigyan ng higit na halaga. :(
Aalis na ako dito sa Japan. Buti pa ang Sakura, babalik sa susunod na spring. Ako? wish. Ito na siguro ang huling pagkakataon kong makakita nito. Ok lang. Basta yung isang Sakura na mahalaga sa akin e alam kong makikita ko pang muli. :D
Sana lang pagbalik ko hindi pa siya nagdadalaga dahil susupladahan niya lang ako otherwise.
No comments:
Post a Comment