Sunday, March 31, 2013

Lent 2013

Happy Easter! The Lord has risen, let us rejoice!

I survived 40 days without eating meat and logging in on facebook.

This year nagdecide akong magsakripisyo bilang pasasalamat sa napakaraming blessings na natatanggap ko. Gusto ko din itest ang sarili ko kung gaano ako katibay.

Thankful ako sa mga natutunan ko sa 40 days na nakalipas. Madaming bagay akong nagagawa kng hindi ako facebook ng facebook. Hindi ko pala kailangan malaman lahat ng nangyayari sa buhay ng mahigit limang daan tao na "friends" ko. Hindi ko din kailangan ibahagi ang bagay-bagay tungkol sa buhay ko. Kung gustong malaman ng mga kaibigan ko ang lagay ko, gagawa at gagawa sila ng paraan para malaman, hindi lang facebook ang paraan. Nabawasan ang pasok ng walang kwentang bagay sa utak ko. Sabi ko nga sa kaibigan ko, "it helped to clear my mind."

Sa hindi naman pagkain ng karne, natutunan ko ang self-control. Pero mas importante na tuwing hinahanap-hanap ko ang karne, naiisip ko na mas importante ang Itaas kesa sa sarili kong kagustuhan. Napasabak ako sa matinding tukso nung nag Korean bbq kami. Nalabanan ko at proud ako dun.

Magmula ngayon, pinapangako ko sa sarili ko na hindi na ako ulit maaadik sa facebook katulad ng dati. Maghahanap ako ng mga bagay na mas worthwhile gawin. ;)

No comments: