Tuesday, April 30, 2013

Happy Day


Today was full of surprises. 

Pag gising ko, may message para sa akin ang mahal ko. May kamalasan na naging swerte! 




Tapos nung hapon, kinabahan ako kase gusto daw ako makausap ng boss ko. Closed-door, one-on-one. Naisip ko na, oh shit. Malalay-off na ba ako? At hinanda ko na ang loob ko kung mangyari man yon, sabi ko sa sarili ko "May iba pa sa tabi-tabi na para sa akin,"

Turns out, isang review pala ito. At sabi ng boss ko, every year ginagawa daw ito. Nirecommend daw niya na taasan ang sweldo ko dahil sa performance ko... and it got approved. Sinabi niya sakin kung magkano. Pati stock options, madadagdagan daw. Nawala ako sa sarili. Parang nabingi ako sandali sa mga sinasabi niya. Kaya ngayon di ko matandaan ang exact words. Basta naalala ko, sinabihan ako ng 'Thank you for your hard work, and all your contributions to the company'. Siyempre ako namang si ms.iyakin... naluluha na. Pero napigilan ko naman. Nakakahiya kase feeling ko nahalata ng boss ko na naiiyak na ko. hehe. Ang nasabi ko pa nga eh "are you serious?" hehehe. Nagtapos yung meeting na nagsabi ako ng 'Thank you so much'.

Waaaaaaaaaaaaaaaah tamang tama kausap ko si Rey sa chat nung time na yon. Sinabi ko kaagad sa kanya. At eto ang reaction niya. "WTF, seryoso ka???". Gusto kong maiyak. At nung sinabi ko sa kanyang naiiyak ako, naiiyak na din daw siya sa tuwa. Sabi pa niya, "kami ni jum ang dapat magpasalamat sayo" at "well earned talaga".

Hay, sobrang saya ko. Increase in one freaking year??? Napaka-appreciative talaga ng management sa workplace na ito. Sobrang swerte ko talaga at nakuha ko itong trabahong ito. Nainspire tuloy akong pag-igihan pa ang pagttrabaho at pag-aaral ng mga bagong kaalaman. At the same time napressure din na magstep-up. Mas mataas sweldo, mas mataas ang expectation.

Another surprise was that nakuha ng sister ko yung trabaho na gusto niya! Sobrang saya ko para sa kanya! :) Ang galing! Nung una palang alam ko nang makukuha niya to eh. Pero surprise dahil siya mismo sabi niya di niya daw sure. Super cool!







No comments: